What's Hot

Barbie Forteza, Kate Valdez, nagbahagi ng safety precautions sa set ng 'Anak ni Waray vs Anak ni Biday'

By Dianara Alegre
Published September 22, 2020 11:17 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Kylie Padilla sports darker hair for 'Task Force Firewall'
Henri G drops 'Hindi Ko Masabi' performance video
LOOK: Miss Universe PH candidates in their swimsuit photos

Article Inside Page


Showbiz News

barbie forteza and kate valdez


Pinabilis at pinaiksi ang istorya ng 'Anak ni Waray vs Anak ni Biday' ngunit, ayon kina Barbie Forteza at Kate Valdez, parehong emosyon pa rin ang hatid ng bawat eksena ng serye sa mga manonood.

Nagsimula na ang lock-in taping para sa fresh episodes ng seryeng Anak ni Waray vs Anak ni Biday na pinagbibidahan nina Barbie Forteza at Kate Valdez.

Nang makapanayam sila ng 24 Oras, ibinahagi ng dalawang Kapuso actresses ang health protocols laban sa COVID-19 na ipinatutupad sa set.

Barbie Forteza

Source: barbaraforteza (IG)

“Basta 'yung proteksyon namin hindi namin inaalis hangga't hindi take. '

"Yung mga eksena naman namin, hangga't kaya na may social distancing pa rin at kung kaya na walang physical contact.

“Kaya lang kasi talagang minsan may mga eksena na siyempre kailangan magyakap ganyan, pero we see to it na nagsa-sanitize kami before and after nu'ng eksena,” ani Barbie.

Dahil limitado lamang ang pinahihintulutang oras para sa kanilang taping, nakaramdam umano ng pressure si Kate na pagbutihin pa lalo ang kanyang pag-arte.

“Pressure sa akin ng konti dahil one take. Ganu'n din naman before pero ngayon mas kailangan mabilis dahil hindi kami pwede magtagal sa location namin,” lahad niya.

Kate Valdez

Source: katevaldez_ (IG)

Nasa kalagitnaan ng istorya ang serye nang abutan ng community quarantine.

Sa pagbabalik nito, mas pinabilis at pinaiksi umano ang serye.

Gayunpaman, sabi ni Barbie, hindi nito naapektuhan ang emosyong hatid ng palabas sa mga manonood.

“Kahit ini-compress namin 'yung istorya, nandu'n pa rin naman 'yung emotions. Nandu'n pa rin 'yung bigat,” dagdag pa niya.