GMA Logo Barbie Forteza, Kim Domingo, Jean Garcia, and Max Collins
What's Hot

Barbie Forteza, Kim Domingo, Jean Garcia, at Max Collins, tampok sa Christmas specials ng 'Wish Ko Lang'

By Aimee Anoc
Published December 1, 2021 7:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Barbie Forteza, Kim Domingo, Jean Garcia, and Max Collins


Abangan ang natatanging pagganap nina Barbie Forteza, Kim Domingo, Jean Garcia, at Max Collins sa 'Pasko ng Pag-asa: The Wish Ko Lang Christmas Specials.'

Ngayong Disyembre, mas pinalakas ang mga kwentong handog ng bagong Wish Ko Lang para sa “Pasko ng Pag-asa: The Wish Ko Lang Christmas Specials.”

Kaya naman para sa espesyal na pagdiriwang, apat na babaeng palaban ang bibida sa bagong Wish Ko Lang na kapupulutan ng aral at inspirasyon.

Para sa unang kwento, abangan ang natatanging pagganap ni Barbie Forteza bilang si Sunshine na may tatlong katauhan sa “Tatlong Katauhan ni Sunshine” ngayong Sabado, December 4.

Makakasama ni Barbie Forteza sa episode na ito sina Thea Tolentino, Arvic Tan, Regine Angeles, Carlos Agassi, at Chanel Latorre.

Susundan ito ng nakapapangilabot na kuwento sa “Lihim ng Punerarya” na pagbibidahan ni Kim Domingo bilang ang mapagmahal na anak na si Ashley, na mapapanood sa December 11.

Masalimuot naman ang kwentong pagbibidahan ni Jean Garcia sa “The Affair” bilang si Anita, na pagtataksilan at iiwan ng kanyang asawa. Abangan ang “The Affair” sa December 18.

At sa December 25, mapangahas ang huling kwentong gagampanan ni Max Collins sa “Gayuma” bilang si Regina, na iibig sa taong ginayuma lang pala siya.

Huwag palampasin ang apat na Christmas special episodes ng bagong Wish Ko Lang tuwing Sabado, alas-4 ng hapon sa GMA.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang bagong Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.

Samantala, tingnan ang iconic teleserye characters ni Barbie Forteza sa gallery na ito: