
Sinalubong ng palakpakan at hiyawan ang sorpresa na ginawa ni David Licauco sa kaniyang Maria Clara at Ibarra on-screen partner na si Barbie Forteza sa FiLay thanksgiving fans day kahapon, February 26 sa Ayala Malls Cloverleaf.
Habang nagpe-perform sa stage ang Kapuso Primetime Princess, biglang umakyat sa stage si David at binigyan niya ng bouquet of flowers ang kapareha.
Kita sa kuha ng Sparkle GMA Artist Center na inupload sa Instagram ang hiyawan ng fans na dumagsa sa event.
Nag-trending din sa Twitter Philippines #FilayThanksgivingFansDay.
Samantala, bumaha naman ang comments mula sa netizens na tuwang-tuwa na makita si Barbie na sobrang na-appreciate sa ginawa ng Pambansang Ginoo.
Source: sparklegmaartistcenter (IG)
Kahit umere na ang finale ng hit primetime series na Maria Clara at Ibarra last February 24, mapapanood naman uli ang FiLay sa award-winning fantasy show na Daig Kayo Ng Lola Ko.
May pasilip na ang programa sa aabangan eksena nina Barbie Forteza at David Licauco.
Kaya for more updates sa upcoming guesting ng Sparkle loveteam, please visit GMANetwork.com at i-follow ang lahat ng social media pages ng Daig Kayo Ng Lola Ko!
BAKIT ANG FILAY ANG ISA SA HOTTEST LOVETEAM NGAYON SA SHOW BUSINESS?