GMA Logo barbie forteza on maria clara at ibarra
Source: barbaraforteza (IG)
What's on TV

Barbie Forteza, sa kanyang karakter na si Klay: 'Saludo ako sa'yo'

By Faye Almazan
Published February 26, 2023 10:27 AM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

barbie forteza on maria clara at ibarra


Take a bow, Binibining Klay!

Isang liham pasasalamat ang naging handog ni Barbie Forteza sa pagtatapos ng hit GMA serye na Maria Clara at Ibarra.

Sa Instagram post ng Kapuso actress ay isa-isa niyang pinasalamatan ang lahat ng mga naging bahagi ng teleserye, kasama na rito ang kanyang karakter na si Klay.

Una niyang pinasalamatan ang GMA Network sa pagbuo sa programa at sa pagtitiwala na gampanan niya ang role ni Maria Clara Infantes.

“Salamat po sa @gmanetwork na naglakas loob gumawa ng ganitong kahalagang proyekto at sa pagkaloob sa akin na gampanan si Maria Clara Infantes.”

Pinasalamatan rin ng aktres ang mga staff at crew ng Maria Clara at Ibarra sa kanyang post.

"Salamat sa lahat ng bumubuo ng programang ito sa likod ng kamera. Hindi po biro ang pinagdaanan natin sa paggawa ng palabas na ito pero dahil sa sipag at tiyaga ninyong lahat, napakaganda ng kinalabasan,” ani Barbie.

Kinilala rin ni Barbie ang kanyang mga co-stars, “Salamat sa mahuhusay at mabubuting aktor at aktres na nakasama ko sa proyektong ito.”

Isa ring pasasalamat ang handog ni Barbie sa lahat ng mga sumubaybay at nagmahal sa kanilang programa. Ayon sa kanya, “[s]ulit ang lahat ng hirap at pagod dahil sa walang kapantay ninyong suporta.”

Sa pagtatapos ng kanyang liham ay pinasalamatan ni Barbie ang kanyang karakter na si Klay na ayon sa kanya ay “kahanga-hanga.”

"Higit sa lahat. Maraming salamat sayo, Klay. Marami tayong pinagdaanan pero nalagpasan natin ang lahat ng iyon. Tunay kang kahanga-hanga. Saludo ako sa'yo.”

A post shared by Barbie Forteza (@barbaraforteza)

Nag-trending worldwide ang finale episode ng Maria Clara at Ibarra, noong Biyernes, February 24.

TINGNAN ANG ILAN SA MGA EKSENA SA LIKOD NG KAMERA NG MARIA CLARA AT IBARRA SA GALLERY NA ITO: