GMA Logo Barbie Forteza
Source: barbaraforteza (IG)
What's Hot

Barbie Forteza, may inamin tungkol kina Jak Roberto, Kiko Estrada, at Andre Paras

By Marah Ruiz
Published July 10, 2022 6:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Philippines at the 2025 SEA Games: List of gold medalists
Sarah Discaya, 8 others detained at jail in Mactan, Lapu-Lapu City
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

Barbie Forteza


Bukod sa mga inamin tungol sa nobyo at sa dating leading men, nag-komento rin si Barbie Forteza tungkol sa controversial internet personality na si Xian Gaza.

Sumailalim sa isang lie detector test ang aktres na si Barbie Forteza sa bagong vlog niya kasama ang kapwa Kapuso star na si Bea Alonzo.

Inilagay ni Bea sa hotseat at tinanong tungkol sa kanyang career, love life at marami pang iba.

Source: barbaraforteza (IG)

Isa sa juicy tidbits na nakuha ni Bea mula kay Barbie ay tungkol sa huli niyang project. Inamin kasi ni Barbie na may kinaiinisan siyang arista at nakatrabaho niya ito sa huli niyang show.

"Sino kaya 'yun sa Mano Po?" natatawang sambit ni Bea sa sagot ni Barbie.

Inamin din ni Barbie na nagkaroon sila ng relasyon ng That's My Amboy co-star na si Kiko Estrada at hindi na sila friends matapos ang kanilang hiwalayan.

Nang tanungin naman kung nagkaroon siya ng crush sa isa pang That's My Amboy co-star na si Andre Paras, nagpatubay-tubay si Barbie sa kanyan sagot.

"Hay, Diyos ko po! Bakit ganito? Naiihi ako, if ever. Sandali lang, wala pa kong sagot. May resulta agad wala pa ngang sagot? Wait lang kuya ha. Tinatagalan ko 'yung sagot para nawawala 'yung ano," bulalas ni Barbie.

Kalaunan, inamin din niya na "yes," nagkaroon nga siya ng crush kay Andre.

Ibinahagi din ni Barbie na inisip niyang magiging "reyna" siya ng bahay na ipinapagawa ng boyfriend niyang si Jak Roberto.

"Siguro yes, inisip ko kasi habang dini-design 'yan, tinatanong din niya kung ano 'yung gusto ko," paliwanag niya.

Bukod dito, inamin ni Barbie na minsan niyang pinagseselosan ang mga babaeng katrabaho ni Jak.

"Hindi ako nagseselos pagka kunwari 'yung mga kissing scene, mga intimate scene kasi eksena. [Nagseselos ako] pagka nagkakayayaan lumabas, outside work," bahagi ni Barbie.

Aminado ang aktres na talagang selosa siya sa karelasyon pero hindi daw siya ang tipong girlfriend na nagche-check ng phone ng boyfriend.

Hindi naman siya mapagsuspetsiya kay Jak kaya ipinagkibit-balikat niya nang idawit ito ng controversial internet personality na si Xian Gaza sa intriga.

"Napapanood ko siya sa TikTok. Sa TikTok kasi may parang gumagawa sila ng videos na [galing sa] post sa FB, ganyan. Nabasa ko 'yung pangalan ko. Nabasa ko 'yung pangalan ni Jak and ni Ms. Kim Domingo. For some reason ini-scroll ko lang. Parang tinreat ko siya as mga trolls," lahad ni Barbie.

Wala rin daw siyan galit kay Xian Gaza matapos ito.

Panoorin ang ilang pang juicy questions ni Bea para kay Barbie dito:

Bago ang kanilang lie detector vlog, si Bea naman ang nag-guest sa vlog ni Barbie kung saan napag-usapan nila kung gugustuhin ba nilang makatrabaho ang kanilang ex-boyfriends.

Samantala, tingnan ang sweetest photos nina Barbie at Jak dito: