GMA Logo Barbie Forteza Kim Chiu Belle Mariano Alexa Ilacad
Image Source: It's Showtime Facebook Page
What's Hot

Barbie Forteza, naging close agad kina Kim Chiu, Belle Mariano, at Alexa Ilacad

By Jansen Ramos
Published July 6, 2023 12:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Washing priests' feet, Pope Leo urges Catholics to aid the oppressed
Man who complained of small pay steals P157K from store; arrested
Daig Kayo Ng Lola Ko: Witchikels (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Barbie Forteza Kim Chiu Belle Mariano Alexa Ilacad


Ayon kay Barbie Forteza, 'walang bigat' ang vibe nang nakatrabaho niya ang ilang Kapamilya stars noong nag-guest siya sa 'It's Showtime' noong July 1.

Kahit ilang araw na ang nakalilipas, patuloy pa ring pinag-uusapan ang historic guesting ng Kapuso stars sa ABS-CBN noontime show na It's Showtime bilang pagsisimula ng pagpapalabas nito sa GMA channel na GTV.

Network war is over, ika nga, dahil groundbreaking para sa dalawang dati'y magkakumpitensya na TV networks na ngayon ay nagtutulungan para maghandog ng entertainment sa mga manonood.

Higit namang ikinatuwa ng viewers ang pagsasama-sama ng Kapuso at Kapamilya stars in one show na nag-viral sa social media.

Kabilang na riyan ang GMA artist na si Barbie Forteza na nakapag-perform kasama ang ABS-CBN stars na sina Kim Chiu, Belle Mariano, at Alexa Ilacad para sa isang dance prod sa opening number ng It's Showtime noong July 1.

Ayon kay Barbie, hindi niya akalaing makakatungtong siya sa It's Showtime stage.

"Dati kasi pinapanood lang namin sila sa Showtime. Sabi ko nga, parte sila ng tanghalian namin. Si Mama talaga idol na idol si Vice so tuwang tuwa siya no'ng binati siya ni Vice on live TV.

"So ang saya lang na dati pinapanood lang namin sila and parang suntok sa buwan na makakapasok kami sa Showtime and now, I think, everything is possible.

"Nawawala ang walls between networks so ang saya sa feeling. Nakakakilabot, actually, kung ando'n ka sa studio," bahagi ni Barbie sa panayam ng GMANetwork.com sa contract signing ng aktres para sa bago niyang ineendorsong health and wellness brand na Lumi na ginanap noong Martes, July 4, sa Manila House Private Members Club, BGC.

Nagkuwento rin si Barbie tungkol sa kanyang maikli ngunit masayang experience na makatrabaho sina Kim, Belle, at Alexa.

Aniya, "Ang saya kasi 'di ko alam unang meeting pa lang namin, naging close kami in two days. Ang saya, napaka-approachable nila, very down to earth nila, very welcoming lahat, not just the artists, especially the staff, the director. And 'yung vibe? Walang bigat at all."

Mapapanood ang It's Showtime Lunes hanggang Biyernes, 12 noon, at Biyernes, 11:30 a.m. sa GTV.

NARITO ANG IBA PANG KAPUSO STARS NA NAPANOOD SA IT'S SHOWTIME NOONG JULY 1: