
Mainit ang naging pagtanggap ng mga manonood sa buena manong handog ng GMA Network at Regal Entertainment sa 2022 ang seryeng Mano Po Legacy: The Family Fortune.
Isa sa mga napiling bumida rito ay si Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza, nauna nang sinabi ni Barbie na speechless siya nang malaman na kabilang siya sa mga gaganap sa nasabing series kahanay ang mga batikang aktres na sina Boots Anson-Roa, Sunshine Cruz, at Maricel Laxa-Pangilinan.
Gumaganap si Barbie bilang si Steffy Dy, isang Filipino-Chinese sa Binondo na piniling magtrabaho sa Gold Quest na kumpanya ng mayamang pamilya ng mga Chan.
Sa panayam ni Nelson Canlas kay Barbie para sa Unang Hirit, sinabi ng aktres na nakaka-relate siya sa kaniyang karakter bilang si Steffy.
Kuwento niya, "Siguro ang pinagkaiba lang namin ni Steffy Dy ay mayroon siyang Chinese blood pero yung pagiging hardworking, career-oriented, pagiging sensitive sa mga bagay na nangyayari sa paligid niya, I guess I'd like to thin na ganoon ako."
Nakikita niya rin daw kay Steffy ang kaniyang pagiging mapagmahal at masunuring anak.
Dagdag niya, "Yung pagiging mapagmahal na anak, masunuring anak, I'd like to think ganoon din ako."
Subaybayan ang karakter ni Barbie bilang si Steffy sa Mano Po Legacy: The Family Fortune, Lunes hanggang Biyernes, 9:35 pm sa GMA Telebabad.
Samantala, kilalanin pa ang star-studded cast ng Mano Po Legacy: The Family Fortune sa gallery na ito: