GMA Logo Barbie Forteza
PHOTO COURTESY: barbaraforteza (IG)
What's on TV

Barbie Forteza on 'It's Showtime' airing on GMA: 'Mapapadalas na ako rito'

By Dianne Mariano
Published April 24, 2024 3:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Japan proposes record budget spending while curbing fresh debt
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Barbie Forteza


Masaya ang Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza ngayong napapanood na sa GMA ang 'It's Showtime.'

Muling bumisita at nakisaya ang Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza sa It's Showtime ngayong Miyerkules (April 24).

Sa unang bahagi ng noontime variety show, ipinamalas ng Kapuso star ang kanyang dance moves kasama ang girl group na Baby Dolls sa stage nang sayawin nila ang awitin ni Hwasa na “Maria.”

Matapos ito, dalawang beses na masayang binati ni Barbie ang mga manonood ng “What's up, Madlang People.”

Matatandaan na isa si Barbie sa mga Kapuso star na nag-perform sa It's Showtime nang umere ito sa GTV noong July 2023.

Related gallery: Kapuso stars na bumisita at nakisaysa sa 'It's Showtime'

Kaya naman, tinanong siya ng host na si Vhong Navarro kung ano ang reaksyon nito ngayong napapanood na ang It's Showtime sa GMA.

“Sobrang saya kasi ibig sabihin mapapadalas na ako rito,” aniya.

Inimbitahan din ng Kapuso actress ang mga manonood na abangan ang upcoming historical-drama series ng GMA na Pulang Araw.

Samantala, ibinahagi ni Barbie sa Showtime Online U na nais niyang makatrabaho ang Unkabogable Star na si Vice Ganda sa isang heavy drama project.

Bukod kay Vice Ganda, gusto ring makatrabaho ni Barbie ang Kapamilya actress at host na si Kim Chiu.

Aniya, “Kung napanood n'yo po 'yung vlog namin ni Ms. Kim Chiu, gustong-gusto namin mag-work together. Kung gaano kami kaingay sa vlog, gano'n kaingay din kami sa pelikula if ever.”

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.