What's Hot

Barbie Forteza: "'Pag nagmahal ako, loyal ako, pero hindi naman to the point na masisira ako"

By Gia Allana Soriano
Published October 17, 2017 4:34 PM PHT
Updated October 17, 2017 5:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sienna Stevens, Ericca Laude prank Dingdong Dantes on 'The Master Cutter' set
Moonstar88 shares inspiration behind their highly anticipated comeback album
Anne Hathaway's pregnancy style: her best maternity outfits

Article Inside Page


Showbiz News



Ikinumpara ni Barbie Forteza kung paano siya magmahal sa kanyang character sa pelikula nila ni Ken Chan na 'This Time I'll Be Sweeter.'

Sa press conference para sa upcoming movie nina Barbie Forteza at Ken Chan na This Time I'll Be Sweeter, ipinakilala ng Kapuso actress ang kanyang karakter na si Erika.

 

A post shared by Barbie Forteza (@barbaraforteza) on

 

Aniya, "Si Erika 'yung pagmamahal na kaya niyang ibigay kay Tristan [ay] never ending. Parang feeling ko nga kahit pang-lima, pang-anim na beses niya gawin [na masaktan at magbigay ng chance], gagawin pa rin niya. Parang wala ng ibang lalaki sa mundo kung 'di si Tristan."

Naging ganito na ba si Barbie sa isang lalaki before? Sagot naman ng aktres, "Wala pa akong na-experience na ganun."

Pinaliwanag din ng aktres kung paano siya magmahal. Aniya, "'Pag nagmahal ako, loyal ako. Pero hindi naman to the point na masisira ako as a person dahil sa kanya."

Dagdag pa niya, "Kumbaga, kung ayaw na niya, eh di go, laban. Hindi 'yung ipipilit ko pa 'yung sarili ko." 

 

A post shared by Barbie Forteza (@barbaraforteza) on

 

Abangan ang first film ng tambalang KenBie, ang This Time I'll Be Sweeter, ngayong November 8 na!