
Nagpa-sample ang Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza ng natutunan niya mula sa acting masterclass ng seasoned actress na si Cherie Gil sa isang episode ng New Normal: The Survivial Guide series na Home Work.
Base sa episode, ilang segundo lang ay nakuha nang umiyak ni Barbie, bagay na ikinahanga ng host ng programa na si Rovilson Fernandez.
Siyempre, hindi na rin pinalampas ng TV host na sumabak sa aktingan challenge kasama ang award-winning Kapuso star.
Ang eksena: gagayahin ni Rovilson ang karakter ni Iswal, ginampanan ni Mike Tan, sa iconic Kapuso series ni Barbie na Kara Mia.
Ayon kay Barbie, sumali siya sa online acting class para maiwasan ang boredom sa bahay, habang natututong palawigin ang kanyang craft.
"No'ng nagsimula po talaga tayo ng quarantine, wala na po talaga kong ginawa.
"Perfect timing naman na nag-post si Ms. Cherie Gil na magko-conduct s'ya ng online masterclass.
"Sabi ko, what better way, 'di ba, matuto kung 'di learn from the best," kuwento ng 23-year-old actress.
Ayon pa kay Barbie, maganda paraan ito para madagdagan ang kaalaman ngayong quarantine.
"Taking up online classes is another productive way to spend your day at home. It's another way of trying to find yourself, kung ano talaga 'yung magwo-work for you.
"Either acting o kung anong klaseng business 'yan, siyempre, kailangan pag-aralan mo muna and ang dami ng available na online classes na makakapag-provide n'yan," ika ni Barbie.
Panoorin ang buong episode sa itaas.