GMA Logo Honor Thy Mother stars Barbie Forteza and Sharon Cuneta
Screenshot from Sparkle GMA Artist Center
What's Hot

Barbie Forteza sa husay ng 'Honor Thy Mother' co-star Sharon Cuneta: 'Parang uma-attend ako ng masterclass niya'

By Aimee Anoc
Published August 22, 2026 1:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Strong 6.7-magnitude quake strikes southern Peru — USGS
Man lands in hospital after fire razes home in Bacolod
Otherworld Festival Manila is happening this November

Article Inside Page


Showbiz News

Honor Thy Mother stars Barbie Forteza and Sharon Cuneta


"Mama Sharon" na rin ang tawag ni Barbie Forteza sa Megastar na si Sharon Cuneta, na gumaganap bilang kanyang ina sa 'Honor Thy Mother.'

Masayang ibinahagi ni Kapuso actress Barbie Forteza ang pagpayag ni Megastar Sharon Cuneta na matawag niya itong "mama."

Sa latest episode ng "I'm Ready For My Close Up" ng Sparkle GMA Artist Center, nagbigay ng reaksyon si Barbie sa larawan nila ng Megastar kung saan napuno ito ng papuri at paghanga.

"Ang aking napakagiliw, napakabungisngis, napakahusay, nakapabait, napaka-generous when it comes to giving emotion sa eksena at sa pagpapakain," sabi ni Barbie kay Sharon.

"Ang aking... pumayag na siya na tawagin ko siyang, nahiya kasi ako, pero pumayag na siyang tawagin ko siyang 'mama,' so ang aking mama Sharon," dagdag niya.

Kapwa bibida sina Barbie at Sharon sa upcoming family drama series na Honor Thy Mother, kung saan gaganap silang mag-ina.

Sa nasabing online exclusive video, ikinuwento rin ni Barbie ang paghanga niya kay Sharon habang nasa set ng Honor Thy Mother.

"Sobrang saya ng taping ng Honor Thy Mother dahil parang everyday uma-attend ako ng masterclass niya. Grabe, front row seat palagi," sabi niya.

"And I'm so happy dahil bukod kay mama Sharon, talagang ensemble of such great actors who love what they do. Who knows what they're doing talaga. And who come to the set prepared.

"So ang sayang tumuntong sa gano'ng set na alam mong we all came to work and lahat tayo may iisang goal, 'yun ang matapos at makagawa ng magandang proyekto."

Samantala, inilabas na ang official trailer ng Honor Thy Mother noong Martes, August 18. Mapanood ito sa Prime Video simula September 11.

RELATED GALLERY: 'Honor Thy Mother' actors, ipinakilala sa storycon