GMA Logo Barbie Forteza as Klay in Maria Clarra at Ibarra
What's on TV

Barbie Forteza sa pagsusuot ng baro't saya sa 'Maria Clara at Ibarra': 'Mahirap siya talaga'

Published November 6, 2022 3:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Barbie Forteza as Klay in Maria Clarra at Ibarra


Napapanood si Barbie Forteza bilang Klay sa hit primetime series na 'Maria Clara at Ibarra.'

Isa sa na-e-enjoy na gawin ni Kapuso actress Barbie Forteza sa historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra ay ang pagsusuot ng sinaunang baro't saya.

Ayon kay Barbie, kahit na mahirap ang pagsusuot ng baro't saya para sa kanyang role bilang Klay ay na-e-enjoy raw niya ito. Aniya, mabusisi siya at de numero ang pagsusuot nito para mas maging makatotohanan ang mga eksena sa serye.

"Mahirap siya talaga and considering na every day namin siyang ginagawa, not just like 'yung Halloween na isang araw mo lang pag-e-effort-an 'di ba, ito, everyday ganito," pagbabahagi ni Barbie.

A post shared by Barbie Forteza (@barbaraforteza)

Dahil abala sa location taping ng Maria Clara at Ibarra, hindi nakadalo si Barbie sa kauna-unahang Halloween party ng Sparkle GMA Artist Center, ang "The Sparkle Spell," na ginanap noong October 23 sa Xylo sa BGC, Taguig City.

Pero masaya ang aktres na makita sa social media na dumalo ang mga kaibigan kabilang si Andrea Torres na nag-ala-Ursula ng The Little Mermaid sa event. "Sabi ko, 'Anong nangyari kay Sisa? Bakit naging violet?"

Proud din si Barbie sa pagiging praktikal at creative ni Jak Roberto sa kanyang Halloween costume bilang Wolverine.

"Para sa akin kasi ang Halloween, it's the time na you just have to be creative, to create the look," sabi ng aktres.

Patuloy na subaybayan si Barbie sa Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.

KILALANIN ANG CAST NG MARIA CLARA AT IBARRA RITO: