GMA Logo Barbie Forteza
Courtesy: Barbie Forteza (Facebook)
What's Hot

Barbie Forteza sparks buzz with 'wedding photos'

By EJ Chua
Published June 23, 2026 5:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ilan pang nawalan ng PhilHealth benefits dahil sa 24-hour rule, inilahad ang pagkadismaya
P1.96/kWh nga pagsaka sa electricity rate sa Davao Light, ipatuman I One Mindanao
Gloria Diaz inducted into the Binibining Pilipinas Sisterhood Hall of Fame

Article Inside Page


Showbiz News

Barbie Forteza


Na-intriga ang netizens sa latest post ng Kapuso actress na si Barbie Forteza.

Isa si Barbie Forteza sa mga celebrity na pinag-uusapan ngayon ng netizens kasunod ng kanyang latest post sa social media.

Makikita kasi rito ang ilang wedding-themed photos, kung saan kapansin-pansin ang kanyang pagsuot ng isang eleganteng wedding gown na lalong nagbigay-diin sa kanyang blooming na ganda.

May ibinahagi rin siyang photos ng bridal bouquet at pati na rin wedding rings.

Sulat niya sa caption ng kanyang post, “I've waited for this for so long. Nobody can ruin my big day.”

Mababasa sa comments section na tila nagtatanungan ang netizens kung real life scenario ba ito o para sa isa sa kanyang projects bilang isang actress.

Samantala, isa sa mga new project ni Barbie ay ang collab series ng GMA at ABS-CBN na Honor Thy Mother, kung saan kasama niya bilang lead star dito ang idolo niya at tinaguriang Mega Star na si Sharon Cuneta.

Related gallery: Honor Thy Mother actors, ipinakilala na

Ano nga kaya ang kahulugan ng wedding photos ni Barbie Forteza?

Abangan ang susunod na updates para sa karagdagang detalye.