
Talagang niyakap na ni Kapuso actress Barbie Forteza ang healthy lifestyle sa bago niyang hobby na running.
Sa patuloy niyang pagtakbo, marami rin natututunan si Barbie tungkol sa limits at strengths ng sarili niyang katawan.
"Stretching and then make sure na nakakain ako kahit bread kasi siyemrpe para hindi tayo manghinga sa pagtakbo. Cool down, very important, stretching din. Warm up bago tumakbo ang then cool down naman after para hindi magka-cramps at hindi [ma-injure] 'yung muscles natin sa legs," bigay niyang tips, base sa sarili niyang experience.
Nagpahayag din si Barbie ng suporta para sa kaibigan at kapwa Kapuso star na si Alden Richards.
Matagal nang magkaibigan ang dalawa pero lalo pang lumalim ang kanilang friendship dahil pareho silang nahilig sa running kamakailan.
Isa din si Barbie sa mga guest runners sa "Lights, Camera, Run! Takbo Para sa Pelikulang Pilipino," isang fundraising fun run na inorganisa ni Alden para sa MOWELFUND.
"For Alden Richards, congratulations sa iyong event. I will definitely will be there," lahad ni Barbie.
Umaasa siyang makapag-set ulit ng bagong personal best sa fun run na ito na mangyayari sa May 11. Maaaring tumakbo ng 3k, 5k, 10k, at 16k distances dito.
"So far, sa ngayon, ang pinaka malayo ko pa lang na natatakboy ay 11k," bahagi ni Barbie.