
Sa episode na ipinalabas noong September 4, pasabog na mga eksena ang natunghayan sa Widows' War.
Ikinagulat ng mga manonood ang intimate scenes nina Benjamin Alves at Brent Valdez na kilala sa serye bilang sina Basil at Peter.
Ipinakita rito na inalalayan ni Peter ang kanyang boss na si Basil habang lasing ang huli.
Nang makarating na sila sa kwarto ni Basil, tila hindi napigilan ni Peter ang kakaibang naramdaman niya habang kasama ang una.
Kasunod nito, nagkalapit na sila sa kama ngunit laking gulat ni Peter nang bigla siyang sitahin ni Basil at dinuraan pa siya nito sa balikat.
Ilang viewers at fans ang napa-react sa naturang eksena. Ilan sa kanila ay natuwa dahil napanood ulit nila si Benjamin sa serye matapos mamatay ng karakter nito sa serye.
RELATED CONTENT: Widows' War: Mga eksena sa burol ni Basil Palacios
Samantala, kung hindi mo pa ito napanood, maaaring balikan ang intimate scenes nina Basil at Peter sa video sa ibaba:
Abangan ang susunod pang mga tagpo sa Widows' War, mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime.