GMA Logo Brent Valdez, Benjamin Alves, Widows War
Courtesy: GMA Network
What's on TV

'Widows' War' actor na si Brent Valdez, hinangaan sa pag-arte

By EJ Chua
Published September 5, 2024 3:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Brent Valdez, Benjamin Alves, Widows War


Isa rin ba kayo sa nakasubaybay at naiinis sa karakter ni Brent Valdez na si Peter sa 'Widows' War?'

Isa si Brent Valdez sa mga aktor na kasalukuyang napapanood sa GMA murder mystery drama na Widows' War.

Sa previous episodes ng serye, labis na pinag-usapan ng viewers ang karakter ni Brent. Kilala siya rito bilang si Peter, isa sa mga tauhan ng Palacios family sa mansyon.

Marami ang humanga sa acting skills ng singer-actor at talaga namang kinaiinisan ng ilan ang kanyang karakter dahil sa husay niya sa pag-arte.

IN PHOTOS: Get to know singer-actor Brent Valdez

Sa naturang mga nakaraang episode, natunghayan ng mga manonood ang pangungulit ni Peter kay Jericho (Royce Cabrera) na isang household staff sa Palacios' Estate. Si Peter kasi ang nakakaalam ng sikreto ni Jericho na isa siyang Palacios at kapatid siya ni Rebecca (Rita Daniela).

Noong una ay maayos ang kanilang samahan ngunit kalaunan ay nagsunud-sunod na ang kanilang pagtatalo. Nangibabaw na kasi ang kagustuhan ni Peter na magkaroon ng maraming pera mula sa mga Palacios.

Samantala, ipinasilip din sa serye ang ilang intimate scenes nina Peter at Basil.

Sa episode na ipapalabas ngayong Huwebes ng gabi, September 5, mapapanood ang pagpapanggap ni Peter. Aangkinin niya ang tunay na katauhan ni Jericho upang siya ang kilalanin bilang miyembro ng pamilya Palacios.

Maniwala kaya ang lahat sa kanyang mga sasabihin at gagawin?

Si Peter ba ang pumatay kina Basil at Beverly?

Samantala, narito ang ilang reactions at comments ng viewers at netizens sa acting skills ni Brent.

Abangan ang susunod pang mga tagpo sa Widows' War, mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime.

Related gallery: 'Widows' War,' may pasilip sa set