GMA Logo Family Feud
PHOTO SOURCE: Family Feud
What's on TV

Battle of the Gens: Rico Blanco vs. Jillian Ward ngayong hapon sa 'Family Feud'

By Maine Aquino
Published June 5, 2026 11:52 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Mayor blames landfill closure for trash collection delays
Golden Cañedo is a proud nursing graduate
Hans Kaiser On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News

Family Feud


Team ni Rico Blanco at ni Jillian Ward ang magpapagalingan sa exciting Friday episode ng 'Family Feud!'

Sa kauna-unahang pagkakataon ay mapapanood si Rico Blanco sa Family Feud. Pero hindi magiging madali ang kaniyang laban dahil makakatapat niya ang isa sa mga brightest stars ng Sparkle na si Jillian Ward.

Ngayong June 5, ipakikita ang mix of music, movies, and fierce competition sa paghaharap ng OPM icon na si Rico at Kapuso star na si Jillian bilang mga team captain ng kani-kanilang grupo.

Pangungunahan ni Jillian ang Team The Clash Teens kasama ang mga magiging bahagi sa pinakabagong season ng GMA singing competition na magpe-premiere ngayong June 7. Kasama niya sa team sina BGYO member at The Clash alumnus JL Toreliza, Asia's Romantic Balladeer Christian Bautista, at powerhouse vocalist Arabelle dela Cruz.

Bukod sa pagiging bahagi ng team, kabilang din sina Jillian, JL, at Christian sa Clash Panel ng The Clash Teens. Mapapanood naman bilang hosts sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz.

Samantala, hindi magpapahuli si Rico Blanco at ang Team Project Baby. Kasama niya ang ilan sa mga bida ng upcoming romantic-comedy film na Project Baby, kabilang sina Bubble Gang star Matt Lozano, Kapuso actress Arra San Agustin, at model na si Jazzil Sarinas.

Abangan ang exciting na Friday bakbakan sa fresh episode ng Family Feud ngayong June 5, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.

Huwag kalimutang sumali sa “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Manood lamang ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng papremyo araw-araw. Tutok na Lunes hanggang Biyernes sa Family Feud para sa kabuuang detalye.