What's Hot

Baus Rufo, sumali sa 'Miss Q&A' ng 'It's Showtime'?

By Kristine Kang
Published July 14, 2026 12:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Avengers: Doomsday' official illustration reveals full lineup of heroes
Alex Eala receives presidential citation after historic Wimbledon run
10 kulasisi freed after illegal wildlife trade rescue in Cotabato

Article Inside Page


Showbiz News

 Baus Rufo, Lola Move


Si Baus Rufo ba ay si 'Miss Q&A' Lola Move? Alamin dito.

Nitong Lunes (July 13), napansin ng madlang people ang pagkakahawig ni Baus sa winning contestant sa It's Showtime segment na "Miss Q&A Reyna ng Talak-era 2026".

Bukod sa magkahawig sila, pareho rin silang stand-up comedian, kaya't marami ang napatanong kung si Baus nga ba talaga ang candidate number 3 na si Lola Move.

Ngunit hindi lang ang madlang people ang nakapansin ng pagkakahawig nila—maging si Baus ay nakisali rin sa biruan!

Sa kanyang Facebook page, nilinaw ng comedian ang usap-usapan sa pamamagitan ng isang nakakatawang post.

"Hindi po ako yung nasa 'Ms. Q&A', okay? Hindi pa po ako pinapayagan ni Ms. Annette," biro ni Baus.

Agad namang pinusuan ng netizens ang kanyang "statement" at bumuhos ang mga nakakatuwang komento.

"Unang kita ko sa kanya akala ko sumali kana sa Ms. Q&A HAHAHAHHAHA kamukhang kamukha mo Ma 😂🫶" komento ng isang fan.

"Sabi na e. Hahahaha ganap ka na raw na Kapuso! Haha," dagdag ng isa pa.

"Ito na ba si lola BAUSyang?"biro ng isang netizen.



Patuloy ang handog na good vibes ni Baus bilang isa sa mga celebri-peep ng original game show na The People Have Spoken, tuwing 6:15 p.m. sa GMA at Kapuso Stream. Mapapanood din ang full episodes sa GMA Network.com at YouLOL official pages.

Samantala, subaybayan din ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.

Kilalanin si Baus Rufo sa gallery na ito: