
Pagkatapos ng ilang taong pagkawala sa showbiz dahil sa paninirahan sa Amerika, handa na muli si BB Gandanghari gumawa ng mga proyekto sa Pilipinas.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, July 7, tinanong ni King of Talk Boy Abunda kung bukas bang gumawa ng mga proyekto sa Pilipinas si BB Gandanghari.
“Oh yeah, I'm more than willing. Of course, siyempre hindi naman lahat pwede mong gawin on your own. I'm still looking forward to working with the directors; we have really good directors now,” sagot ni BB Gandanghari.
Dagdag pa ng actor-director, gusto niyang makatrabaho muli ang GMA Network lalo na at magaganda ang ginagawa nitong mga serye at pelikula.
“I wanna be a part of that,” sabi ni BB Gandanghari.
BALIKAN ANG NAGING JOURNEY NI BB GANDANGHARI PAPUNTA SA HOLLYWOOD SA GALLERY NA ITO:
Pagdating naman sa roles, gusto umano niyang balikan ang pagiging bida-kontrabida.
Noong nakaraang taon ay nagtapos si BB Gandanghari ng Summa Cum Laude ng Bachelor of Science in Entertainment Business sa Los Angeles Film School sa LA, California. Kinuha raw niya ang naturang kurso dahil gusto niyang maging producer at gumawa ng mga konsepto para sa iba't ibang proyekto.
“I wanna direct also. I wanna be a filmmaker, but in the end, I wanna be that filmmaker who produces, who directs, acts, you know?” sabi ni BB Gandanghari.
Sa katunayan, may ilang konsepto na siyang na-develop at ang isa sa mga iyon, may kausap na siyang producer at hinahanapan na lang niya ng funding.
Pagbabahagi ni BB Gandanghari, iba-iba ang nakikita niyang roles niya sa mga konseptong ito, “Meron akong mga konsepto na mainly, just an actor, and then meron akong konsepto mainly as a director, at meron din akong konsepto as a producer, and also I'm acting in it. Depende du'n sa istoryang naiisip ko.”
Panoorin ang panayam kay BB Gandanghari dito: