
Opisyal nang inanunsyo ang proyektong pagsasamahan nina Kim Ji Soo, Sassa Gurl, Richard Juan, at Bey Pascua.
Mapapanood sila sa upcoming travel show na Be-Cool: The Express Adventure, kung saan masaya nilang ililibot ang viewers sa naggagandahang tourist spots sa Bicol.
Bukod dito, dapat ding abangan sa programa ang ilang fun activities at exciting adventures na kanilang sinubukan sa iba't ibang parte ng probinsya ng Albay.
*Related gallery: Kim Ji Soo explores Albay with Sassa Gurl, Richard Juan, and Bey Pascua
Ang two-part series na mapapanood sa GMA ay binuo para sa Tourism Promotions Board.
Tampok sa unang episode nito ang ilang bagay at kaganapan na may kaugnayan sa kultura ng Bicol, nakatatakam na food trips, at marami pang iba.
Sa ikalawang episode naman, ipasisilip sa mga Kapuso at Pinoy viewers ang ilang breathtaking views at ang off-road adventure ng hosts sa Mayon Volcano lava trail.
Huwag palampasin ang bawat eksena, kulitan, at kasiyahan sa Be-Cool: The Express Adventure, kasama sina Kim Ji Soo, Sassa Gurl, Richard Juan, at Bey Pascua.
Ipalalabas na ito sa darating na June 21 at 28, 2025, sa oras na 10:15 a.m. sa GMA Network.