GMA Logo Bea Alonzo, Dominic Roque
What's Hot

Bea Alonzo, aminadong hindi naging madali ang pag-amin na sila na ni Dominic Roque

By Aimee Anoc
Published August 10, 2021 10:00 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Bea Alonzo, Dominic Roque


"Siyempre gusto kong masiguro muna kung saan siya pupunta bago siya gawing official." - Bea Alonzo

Aminado si Kapuso actress Bea Alonzo na hindi naging madali sa kanya ang pag-amin sa tunay na estado ng relasyon nila ni Dominic Roque.

Kinumpirma kahapon (August 9) ng aktres sa panayam kay Nelson Canlas sa 24 Oras na totoong sila na ni Dominic.

"It's not like I was trying to hide it. I think I was trying to be careful kasi given my past experience. Siyempre gusto kong masiguro muna kung saan siya pupunta bago siya gawing official," pagbabahagi ng Kapuso actress.

Hindi man madali para sa aktres na ibahagi sa publiko ang relasyon nila ni Dominic, masaya na siya ngayon at nagawa na niya ito.

"We only live once and happiness is best when shared. I want to share my happiness," dagdag pa ni Bea.

Mas naging maingat na rin daw ngayon si Bea sa pagbabahagi dahil na rin sa naging karanasan niya noon.

Masyado akong careful. I'm afraid magkamali in front of the public eh ganon talaga and buhay. Minsan nagkakamali, bumabangon ka and then you learn from your mistakes and then you move on," paliwanag niya.

"Even sa past relationship ko, 'di naman ako super open about it. I think most treasured moments ng relationship ay 'yung moments na 'di na-she-share sa social media. And I want to keep it that way," sabi pa ni Bea.

Kasalukuyang naka-mandatory quarantine si Bea sa isang hotel matapos ang halos isang buwang bakasyon sa California kasama ang nobyo.

Habang sumasailalim sa quarantine, abala sa pagpaplano at paghahanda ang aktres para sa nalalapit na pagbisita sa GMA studios, sa kanyang vlogs, at sa lock-in shooting ng pelikulang pagbibidahan nila ni The World Between Us star Alden Richards.

"Ang dami kong nagagawa. I'm also reading a book. I think productive naman 'yung mga araw ko kasi I also workout," pagtatapos ni Bea.

Samantala, tignan sa gallery na ito ang sweetest photos nina Bea Alonzo at Dominic Roque: