
Fresh mula sa kanilang trending engagement proposal, kitang-kita pa rin ang kilig sa celebrity couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque nang dumalo sila sa pinag-uusapang GMA Gala 2023.
Ito ang kauna-unahang event na dinaluhan nina Bea at Dominic bilang isang newly-engaged couple.
Sa red carpet, masayang ibinida ni Bea ang engagement ring na ibinigay sa kaniya ni Dominic.
Kuwento ni Bea, masaya at punong-puno ng kilig ang mga nagdaang araw matapos nilang ma-engage ni Dominic.
Aniya, “Well, it's been amazing. We haven't really processed the feeling. We just know that we're so in love, I've never been this in love with him. Of course, I've been in love with him for almost four years, but this is such a different feeling.”
For the first time, ibinahagi rin ni Dominic ang kaniyang preparasyon para sa nasabing wedding proposal.
“It was a super crazy week, crazy weeks actually for me. I planned it for two months pero ilang weeks 'yung sobrang kabang-kaba talaga ako before the proposal pero everyone can see the next day I post 'yung bts [behind-the-scenes] namin sobrang happy of course,” anang aktor.
Ayon naman kay Bea, natutuwa siya dahil marami ang na-inspire sa kuwento nila ng fiance na si Dominic.
“What's amazing also was parang maraming na-inspire, maraming na-in-love,” ani Bea.
Pagbabahagi pa ni Bea, napag-uusapan na rin nila ni Dominic ang pagbuo ng sariling pamilya pero hindi niya naman inasahan na magpo-propose sa kaniya agad ang boyfriend lalo pa at marami silang out of the country trips ngayong taon.
“Of course, we've been talking about marriage and having a family together but I didn't really expect that it would happen on that day,” masayang sinabi ni Bea.
Sagot naman dito ni Dominic, “Pero kasi sobrang tagal pa non e. I want it to happen now.”
Samantala, kinilala rin sina Bea at Dominic bilang Couple of the Night sa GMA Gala 2023.
SILIPIN ANG RELATIONSHIP TIMELINE NINA BEA ALONZO AT DOMINIC ROQUE DITO: