Bea Alonzo and Dominic Roque are now engaged!

Matapos ang ilang ulit na pagtatanong tungkol sa kanilang pagpapakasal, tinotoo na ng celebrity couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque ang kanilang wedding engagement.
Sa isang Instagram post ngayong Huwebes, July 19, ginulat ni Bea ang kaniyang mga kaibigan at fans nang ibahagi niya ang mga larawan mula sa naganap na surprise engagement proposal ng kaniyang boyfriend na si Dominic para sa kaniya.
Kuwento ni Bea sa kaniyang post, nangyari ang nasabing proposal kahapon habang siya ay nasa isang shoot sa Quezon City.
Aniya, “It was a balmy afternoon in Las Casas. I was there for a shoot, but little did I know that the next thing that would happen would change our lives forever.
“In the middle of the shoot, Mark Nicdao kept telling me to turn around because he wanted to shoot the back side of my dress, I found it a bit odd, but when I turned around, I found Dom kneeling with a box in his hand.”
Ayon pa sa aktres, marami na siyang ginawang eksena na wedding proposal pero iba pa rin umano sa tunay na buhay.
“You see, I have done so many proposal scenes in my entire career, but nothing beats the real thing. I have been doing it all wrong!” masayang kuwento ni Bea.
Dagdag pa niya, “Dom said his speech, and it's like time stood still. Everything went in slow motion. And I felt different emotions all at the same time--joy, excitement, love. I started bawling (swipe to see my ugly cry 🤣), But I didn't want that moment to end.”
Sa huling bahagi ng kaniyang post, ibinahagi ni Bea na pinipili na nila ni Dominic ang magsama, “Forever.”
“I want this real thing to happen forever… and right then there… In front of the people we love… we decided on forever.. [ring emoji],” anang aktres.
Kamakailan lamang, matatandaan na sinabi ni Bea sa Fast Talk with Boy Abunda na napag-uusapan na rin nila ni Dominic ang pagbuo ng sariling pamilya pero hindi idinadaan lamang nila sa biro ang planong pagpapakasal.
Bumuhos naman ang maraming masasayang mensahe ng mga kaibigan nina Bea at Dominic sa kanilang wedding engagment announcement.
Congratulations, Bea and Dominic!
SILIPIN ANG SWEETEST PHOTOS NINA BEA AT DOMINIC SA GALLERY NA ITO:










































