
Pinaunlakan ni multi-awarded actress na si Bea Alonzo ang ilang tanong mula sa kanyang fans at followers sa latest video na ibinahagi niya sa kanyang YouTube channel.
Ilang mga tanong na natanggap ni Bea ay tungkol sa kanyang napipintong kasal sa fiancé na si Dominic Roque.
Aminado si Bea na hindi pa talaga sila nagsisimula sa mga paghahanda nila para dito pero may ilang mga detalye na silang napaguusapan.
Isa na riyan ang date ng kasal na gusto sana nilang mangyari sa susunod na taon.
"Wala pa kaming date but hopefully it's gonna be next year. Ayaw rin naman namin ng very long engagement because we dont see the point of it. We're sure about each other and', siyempre, hindi na rin kami bumabata. Gusto na rin maming mag-start ng pamilya namin. Hopefully, next year, sana mag-align ang mga stars at matuloy next year," bahagi ni Bea.
Dahil na rin sa estado ni Bea bilang isa sa mga pinakasikat na artista sa Pilipinas ngayon, maraming umaasa na magkakaroon sila ng Dom ng isang destination wedding.
"Gusto ko talaga, intimate wedding. Ever since I was a little girl, gusto ko talaga na intimate wedding," pahayag ni Bea.
"Pero kapag nag-iisip kami ni Dom ng guest list pa lang, parang ang dami pala naming friends. Kasi si Dom, extrovert siya. Ang dami talaga niyang friends, as in ang dami niyang group of friends. And ako, I have a small circle of friends but outside of that circle, ang dami ko ring mga acquaintances. Ang dami ko ring friends, ang dami kong nakatrabaho kasi I've been in this business for 22 years. Ang hirap niya talagang i-dilute into a very small number," dagdag ng aktres.
Gayunpaman, handa raw siya para sa hamong ng wedding planning.
Image Source: beaalonzo (Instagram)
"One thing I am sure about is that it's going to be amazing becuase I'm gonna be marrying the love of my life," confident na sambit ni Bea.
Panoorin ang buong Q&A vlog ni Bea dito: