GMA Logo bea alonzo and dominic roque
What's Hot

Bea Alonzo at Dominic Roque, muling nagpakilig sa Instagram

By Aimee Anoc
Published July 15, 2021 6:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

bea alonzo and dominic roque


Tingnan ang sagot ni Bea Alonzo sa comment ni Dominic Roque.

May ibig sabihin na nga ba ang palitan ng heart emoji nina Bea Alonzo at Dominic Roque?

Muli na namang nagpakilig ang dalawa sa Instagram matapos na sagutin rin ni Bea ng tatlong red hearts ang comment ni Dominic.

Ngayon araw, July 15, ibinahagi ng aktres sa Instagram ang sillhouette photo niya na kuha sa Pacific Coast Highway, California.

"Always chasing the sunsets," caption ni Bea na may kasamang heart emoji.

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

Nag-comment naman dito ng heart emojis si Dominic, na kasalukuyang nali-link kay Bea.

Tingnan ang sagot ni Bea rito:

Umulan ng kilig comments post ni Bea. Ang comment ni Dominic ay mayroon ng mahigit 6,600 likes samantalang 5,800 likes ang sagot ni Bea.

"w/ Puhpa Doms love you both!" pagsuporta ni @beadomvisuals.

"When a woman is deeply in love, she really glows and you can even see in her eyes," pagbabahagi naman ni @solimheart.

"Wooooh! May response na," sabi ni @dannah_babes.

"It's enough to see and know you are now happy Ms. Bea. Keep inspiring!" dagdag pa ni @chimloveseoul.

Pareho namang ibinahagi nina Bea at Dominic sa Instagram stories nila ang pagbisita sa Elephant Seal Vista Point.

Una nang nagpakilig si Dominic nang mag-iwan ito ng comment na "i*y" sa post ni Bea sa Instagram na nakasuot ng cherry print dress noong Martes, July 13.

Lumipad papuntang Los Angeles si Bea noong July 9 para makapagbakasyon bago sumabak muli sa trabaho bilang Kapuso.

Simula nang makarating sa L.A., ibinabahagi na ni Bea sa Instagram ang mga lugar na pinupuntahan niya. Gayundin, makikita sa Instagram stories ni Dominic ang ilang larawan na kuha sa parehong mga lugar.