GMA Logo bea alonzo and john lloyd cruz
What's Hot

Bea Alonzo at John Lloyd Cruz, 'walang kupas ang chemistry' sa 'One True Pair'

By Aimee Anoc
Published December 1, 2021 12:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

bea alonzo and john lloyd cruz


"Iba pa rin ang John Lloyd-Bea tandem. Perfect pair talaga," reaksiyon ng isang netizen sa muling pagtatambal nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.

"Walang kupas," "nakakakilig," at "nakaka-miss."

Ilan lamang ito sa libu-libong reaksyong nakuha nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz para sa kanilang tambalan sa One True Pair The Movie ng Jollibee Studios.

Marami ang naka-relate sa mga hugot nina Bea at John Lloyd tungkol sa pag-ibig at buhay sa nasabing proyekto.

Ika nga ni Therese Yap, "Ang sakit sa dibdib ng mga dialogues, silang-sila. Napapaiyak ako."

"What made this short more beautiful is the realization that they both have grown wiser, more mature, and stronger before our eyes. Their chemistry is still on another level kahit may kanya-kanya silang buhay. Magkaiba pero swak. They are indeed a 'One True Pair.'" pagbabahagi ni Kristine Mckenzie.

Sabi naman ni Michie Yu, "John Lloyd at Bea story ba 'to? Grabe kayong-kayo talaga ito e. Ibang klase, walang kupas ang chemistry."

Dagdag ni Maria Regis, "Ito 'yung kahit ang haba ng chika nila, walang dead air. Tatambayan mo talaga."

Paghanga naman ang sinabi ni Stephanie Batac, "Bravo! Ito 'yung tipong standing ovation talaga. Simple, pero ramdam na ramdam mo. Kahit walang linya du'n sa car ride, naitawid pa rin nila 'yung emotions. Iba! Ganyan kagaling ang team John Lloyd and Bea. Walang kupas."

Ayon naman kay Mac0791, "I missed them grabe. Parang true to life ang mga reactions at linya. Love the unspoken words in one scene, their actions say it all. Galing, kinilig na naman ako."

Ibinahagi rin ng ilang netizens ang pananabik nila sa muling pagsasama nina Bea at John Lloyd sa iba pang mga proyekto.

"Ang ganda parang story ng kanilang buhay. Ang galing pa rin [nilang dalawa]. Sana susunod movie naman. [Nakakatuwa] ng [mga] biruan nila, nakakaaliw. Ganoon pa rin sila [hindi] nagbago. [Naroon] pa rin ang kilig at pagmamahal sa isa't isa," sabi ni Ditas Enriquez.

""Grabe! I am speechless! This short film is one for the books! I can relate to most of the lines, especially TOTGA and the [four] kinds of love-- and I must say, I felt those four with one person. Congrats [Bea] and [John Lloyd Cruz]. Sana magkaroon kayo ng movie soon. [Nakaka-miss] kayo," dagdag ni iambrutallyfrank.

"Iba pa rin ang Bea and John Lloyd chemistry, walang kupas. Iba pa rin 'yung tama sa puso ng [aktingan] n'yo, tagos sa puso. Waiting sa movie comeback n'yo soon," paghanga ni Gracey Niuqsare.

Habang isinusulat ang istoryang ito, mayroon nang mahigit 93,000 views at 8,700 likes ang One True Pair The Movie nina Bea at John Lloyd.

Panoorin ang Jollibee Studios movie nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz dito:

Samantala, tignan ang pagbabalik showbiz ni John Lloyd Cruz sa gallery na ito: