
Inamin nina Kapuso actress Bea Alonzo at internet sensation na si Zeinab Harake na kapwa sila kontesera noon sa mga beauty pageant. Isa ito sa napag-usapan ng dalawa sa “I Want To Get To Know You from A to Z” vlog ni Bea kamakailan.
“Pareho kaming kontesera noon” masayang sinabi ni Bea.
Kuwento pa ni Bea, sumali raw siya noon sa "Binibining Santolan" sa Pasig City kung saan siya na-discover. Pero paglilinaw niya, hindi raw niya pinangarap ang maging beauty queen, ang kaniyang Lola raw ang nagpapasali sa kaniya noon sa mga beauty pageant.
“Pero ako hindi ko pinangarap maging beauty queen. Pangarap 'yun ng Lola ko for me. Gusto ko talagang maging artista” kuwento ni Bea. “Pinakaayaw ko na nagpa-fashion show. Ayoko na naglalakad ako tapos tinitingnan ako ng mga tao”.
Bago naman pasukin ang pagiging YouTube Vlogger, minsan na rin daw sumali si Zeinab sa mga small beauty contest sa Parañaque at Bacoor Cavite.
“Nag-Binibining Parañaque ako, nag-Miss Kalikasan ako sa Bacoor, mga small pageants lang, mga nagmo-model ako, mga runway.” kuwento naman ni Zeinab. "Pinangarap ko (maging beauty queen), pero parang ayaw ng utak ko. Sabi ng utak ko 'wag na. Maging totoo tayo sa sarili natin.”
"Iba-iba lang talaga na kung saan ka bagay” hirit pa ng YouTube star. Bagay na sinang-ayunan naman ni Bea.
Ang vlog na ito ni Bea kasama si Zeinab ay may mahigit sa 1 million views na sa YouTube. Panoorin ito sa baba:
Samantala, silipin naman ang most-viewed vlogs ni Bea sa gallery na ito: