
Isang Pinay na naman ang nag-uwi ng korona mula sa international beauty pageant dahil ang tubong Olongapo na si Alexandra Faith Garcia ang tinanghal na Miss Aura International 2021. Ginanap ang nasabing pageant sa Rixos Sungate sa Antalya, Turkey nitong Linggo, October 3.
Si Alexandra ang unang pinay na sumali sa Miss Aura International at ang una ring Filipina beauty na nag-uwi ng titulo mula nang magsimula ang nasabing pageant noong 2006.
Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ng Pinay beauty queen ang kanyang pagkapanalo at naging pageant journey kung saan marami raw siyang na-experience na "firsts" sa kanyang buhay.
“There are many "firsts" that had happened in my Ms. Aura International 2021 journey and let me share some of them."
"I was appointed as the “first” ever Filipina to compete in this year's Ms. Aura International,” caption ni Alexandra sa kanyang post.
Marami rin daw pinagdaanan ang kanyang team sa pag-aayos ng visa bago maka-alis ng Pilipinas patungong Turkey.
“Travelling to Turkey, I need to get a visa and it was actually my “first” ever Visa. During the process, my team had encountered problems with their Passport renewals and Visa processing since it was ECQ during the time in Manila.
Kwento pa ni Alexandra, ang paglipad niya raw mag-isa papuntang Turkey ang kanyang unang solo international travel.
“I had my “first” ever long flight and my “first” ever International travel all by myself. Not to mention the luggages and boxes (containing my NatCos) that I need to carry (I didn't know how I was able to summon all the strength to carry those baggages which are actually heavier than me).”
“Today, in my “first” ever International Pageant I was crowned as the “first” ever Filipina in Ms. Aura International.” kuwento pa ng Pinay beauty queen.
Nagpasalamat din si Alexandra sa lahat ng mga tumulong at sumuporta sa kanya, “I'm still in awe with all of the things that had happened. Thank you so much everyone for the love & support that you have given me. It would not be possible without all of you.”
Alay niya raw sa ating bansa ang kanyang pagkapanalo sa nasabing international beauty pageant.
“Para sayo ito, Mahal kong Pilipinas,” ani Alexandra.
Minsan na ring sumali si Alexandra sa local beauty pageants gaya ng Mutya ng Pilipinas 2014 at Binibining Pilipinas 2016.
Samantala, silipin naman ang ilang Kapuso beauty queens sa gallery na ito: