GMA Logo Bea Alonzo
What's Hot

Bea Alonzo, binalikan ang kaniyang naging desisyon na paglipat sa GMA Network

By Maine Aquino
Published February 28, 2023 12:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
'American Pie' star Shannon Elizabeth joins OnlyFans
GMA Kapuso Foundation, namahagi ng tulong sa mga apektado ng mahal na langis sa Mt. Province sa ilalim ng Operation Bayanihan Project | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Bea Alonzo


Alamin ang kuwento ni Bea Alonzo tungkol sa kaniyang naging desisyon na maging Kapuso noong 2021.

Binalikan ni Bea Alonzo ang kaniyang naging big decision na ipagpatuloy ang kaniyang showbiz career sa GMA Network.

Taong 2021 naging usap-usapan ang paglipat ni Bea Alonzo sa Kapuso Network.

Sa YouTube channel ni Ninong Ry, binalikan ni Bea ang kaniyang naging desisyon na pagpirma sa GMA Network.

Ninong Ry and Bea Alonzo

Ani Bea, "Nag-take talaga ako ng leap kasi hindi ko alam what's on the other side. It's a big risk that I took. At saka ang tagal ko siyang pinag-isipan talaga."

Kuwento pa ni Bea kay Ninong Ry, nakaramdam siya ng sense of independence sa kaniyang ginawang desisyon.

"Noong time na 'yun kaya ko nasabing may sense of independence kasi it was the first ever big decision na ginawa ko sa buhay ko na itinuloy ko. Kasi nag-iisip ako like moving to Canada, laging hindi ako nagkakaroon ng guts to actually do it. Wala akong ginawa sa buhay ko na hindi approved ng everybody. Lagi akong ganoon e."

Dagdag pa ni Bea, "It was the only decision in my life that I solely made for myself."

Inamin rin ni Bea na masaya siya dahil sa pagdami ng familiar faces sa GMA Network at may collaborations pa ang GMA Network at ABS-CBN. Ang latest collaboration project ng Kapuso at Kapamilya networks ay ang seryeng Unbreak My Heart. Kasama rin ng GMA Network at ABS-CBN sa collaboration na ito ang Viu Philippines.

Kuwento ni Bea, "Ngayon marami nang familiar faces sa GMA 'di ba? Tapos ngayon they are collaborating with GMA so actually ang sarap i-celebrate kasi parang nagiging borderless na 'yung industriya natin. Parang wala na 'yung network wars."

Panoorin ang kuwento ni Bea dito:

SAMANTALA, BALIKAN ANG CONTRACT SIGNING NI BEA SA KAPUSO NETWORK: