GMA Logo Bea Alonzo and Susan Roces
What's Hot

Bea Alonzo, inalala ang payo sa kaniya ng yumaong showbiz legend na si Susan Roces

By Aedrianne Acar
Published May 21, 2022 1:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: Head coach LA Tenorio activated for Magnolia; Andrada, Abis also get green light
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Bea Alonzo and Susan Roces


Ano ang memorable advice ng “Queen of Philippine Movies” na si Susan Roces kay Bea Alonzo?

Emosyonal na inalala ng Start-Up Ph star na si Bea Alonzo ang yumaong screen veteran na si Susan Roces.

Kagabi, May 20, kinumpirma ng pamilya ng “Queen of Philippine Movies” na pumanaw na ito sa edad na 80.

Nag-post ang multi-awarded actress na si Bea Alonzo ng larawan kasama si Miss Susan sa Instagram na nakatrabaho nito sa serye na Sana Bukas Pa Ang Kahapon taong 2014.

Sabi niya, “The entire industry is grieving and you will be missed, Tita Susan.”

Ibinahagi rin ng aktres ang itinuro sa kaniya ni Susan Roces sa tuwing masama ang loob niya.

Pagbabalik-tanaw ni Bea, “You have taught me so much in a short time that we worked together. Naaalala ko pa nung sinabi mong kapag masama ang loob ko, isulat ko lang sa papel lahat ng galit ko, at sa isa pang papel, isulat ko naman ang mga bagay na ipinagpapasalamat ko, at bago pa man akong matapos magsulat, mawawala na ang galit ko. Hanggang ngayon ginagawa ko pa rin po ito.

“Thank you so much for your wisdom, humility and generosity. You are loved, our queen. Rest in peace.”

Isang post na ibinahagi ni bea alonzo (@beaalonzo)

Comments

Bukod kay Bea, nagbigay pugay din kay Susan Roces ang mga A-list stars tulad nina Judy Ann Santos at Maricel Soriano.

Balikan natin ang ilan sa showbiz personalities na pumanaw noong 2021 sa gallery na ito.