GMA Logo Bea Alonzo
What's Hot

Bea Alonzo is grateful for her new beauty product endorsement

By EJ Chua
Published March 25, 2022 7:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cafe na itinayo sa gitna ng farm, umaani na ngayon ang magandang kita
5 Davao SK heads face probe over alleged fund misuse
What we know about Franco Mabanta

Article Inside Page


Showbiz News

Bea Alonzo


Masayang ibinahagi ni Bea Alonzo ang kanyang kauna-unahang endorsement mula nang magsimula ang pandemya.

Bukod sa latest commercial kasama ang Asia's Multimedia Star na si Alden Richards, mayroon pang ibang proyektong natanggap ang Kapuso actress na si Bea Alonzo.

Sa contract signing at press conference na naganap nitong Biyernes, March 25, sa isang hotel sa Quezon City, opisyal na ipinakilala si Bea bilang pinakabagong endorser ng Beautéderm.

Sa eklusibong panayam ng GMANetwork.com sa CEO ng Beautéderm na Rhea Anicoche-Tan, inilahad niya ang dahilan kung bakit si Bea Alonzo ang napili niyang bagong endorser ng kanilang negosyo na patuloy na lumalago.

Aniya, “Yung mga kinukuha kong endorsers ko talaga ay 'yung mga napapanood ko, mga idol ko. Kasama siyempre si Basha, dapat sa Beautéderm may Bea Alonzo. Kaya kasama na siya ngayon sa ambassadors natin,” pahayag ni CEO.

Bea Alonzo

Sa kalagitnaan ng event, ibinahagi naman ni Bea ang taos-puso niyang pasasalamat nang malaman niya na isa na siya sa magiging endorser ng kilalang local beauty product brand.

Pagbabahagi ng aktres, “Beautéderm is very special to me kasi nung panahon ng pandemya, ito 'yung unang-una kong endorsement aside sa mga existing. Sila 'yung unang nagtiwala sa akin na kuhanin ako bilang endorser sa kabila ng all the uncertainties na pine-face natin simula noong lockdown and everything. So, I am very thankful.”

Ikinuwento rin ni Bea ang dahilan kung bakit napapayag agad siyang maging endorser ng naturang beauty brand.

“When you are in your 30s, parang hindi na lang 'yung ganda sa labas 'yung iniisip mo. You always want to be healthy and fit kasi alam mo yun 'yung investment mo. In the future, ten or twenty years from now, ayaw mong magkasakit and I know that these products are going to help me to invest in my future. Alam ko this is going to help my health.”

Bukod kay Bea, ilang bigating Kapuso stars din ang endorsers ng naturang brand. Ilan dito ay sina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at ang asawa nito na si Dingdong Dantes.

Samantala, kilalanin ang iba pang Kapuso stars na naging endorser ng naturang local beauty brand noong 2019 sa gallery na ito: