
Pinag-uusapan ngayon ang muling pagsasama nina Bea Alonzo at Luis Manzano sa isang vlog.
Matapos mag-guest sa vlog ni Luis, mapapanood naman si Bea sa kanyang YouTube channel kasama ang una.
Kamakailan lang, in-upload ng Kapuso actress ang kanyang bagong vlog na pinamagatang 'Luis Manzano Takes A Legit Lie Detector Test (#ByBea Lie Detector Ep. 21).'
Sa naturang vlog, napanood ng netizens ang makulit na pagtatanong ni Bea kay Luis tungkol sa ilang detalye sa buhay nito.
Kinumusta ng aktres ang host at kanyang guest tungkol sa buhay nito bilang anak ng dalawang kilalang showbiz personalities na sina Vilma Santos at Edu Manzano.
Nagkatawanan ang dalawa nang ikuwento ni Luis ang ilang sinabi sa kanya ng mommy niya na si Vilma noong nagsisimula pa lamang siya sa show business.
Bukod dito, ilan pang bagay ang kanilang napag-usapan na labis na nagbigay-aliw sa netizens.
Ang ilang nakapanood na ng naturang vlog, napa-comment tungkol sa collaboration nina Bea at Luis.
Ilang netizens ang aliw na aliw sa pagsagot ni Luis sa mga tanong ni Bea, at ang iba naman sa kanila ay labis na humanga sa hosting skills ng Kapuso actress sa kanyang latest vlog.
Sa kasalukuyan, mayroon nang 681,000 views ang vlog ng dalawang aktor.
Samantala, si Bea ay mapapanood ngayong 2024 sa upcoming murder mystery series na Widows' War.