
Nilinaw ni Bea Alonzo na maayos siyang nagpaalam sa kanyang dating home network bago lumipat sa GMA Network.
Isa ito sa mga maiinit na tanong mula sa entertainment media na dumalo Bea Alonzo: New Beginnings virtual media event na inihanda ng GMA Network para sa bagong Kapuso actress ngayong Huwebes, July 1.
Kuwento ni Bea, “When the deal was 99% final--it was the first-time that I met them via Zoom, my bosses. The next day I called my boss before in ABS who was Sir Carlo [Katigbak].”
“And I asked for his blessing and, siyempre, it was a very emotional call, it was a very emotional phone call hindi mo maalis that 20 years of my life I spent there.”
Dagdag niya, “I mean, being with them and so, you know, what he wished me well and that he wished me good luck.
"Kasi, ganun naman talaga, hindi ba? Life must go on and I'm happy that I had his blessing, before being here and so all is well.”
Matapos pumirma ng kontrata sa GMA Network, nagpahayag si Bea ng taus-pusong pasasalamat sa mainit na pagtanggap at pagmamahal ng executives at mga artista sa kanyang bagong home network.
Sambit niya, “Sa totoo lang, kung magiging honest ako, surreal itong nangyayari.
“Sa totoo lang po, hindi ko maipaliwanag kung ano talaga 'yung nararamdaman ko ngayon.
"Parang I'm excited, I'm nervous, I'm scared, I'm so happy all rolled into one.
“Doon sa mga mensahe ng mga Kapuso star and our Kapuso bosses, talagang napakasaya ng puso ko ngayon and I know that this day will be very special but hindi ko akalain na gagawin ganitong ka-espesyal and thank you for making me feel valued and loved ngayon pa lang. Salamat po!”
Narito ang ilang pangyayari sa contract signing ni Bea Alonzo: