GMA Logo Bea Alonzo Kyline Alcantara and Mavy Legaspi
Source: Nice Print Photography (Facebook)
What's Hot

Bea Alonzo, nais makatrabaho sina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi sa isang comedy project

By Jimboy Napoles
Published February 6, 2022 2:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Bea Alonzo Kyline Alcantara and Mavy Legaspi


Sa vlog ni Bea Alonzo, naglaro ng Jenga ang aktres kasama sina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara.

First time na maging guest ni Bea Alonzo sa kanyang YouTube channel ang isa sa mga sought-after Kapuso love teams ngayon na sina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi.

Mapapanood sa latest vlog ni Bea ang paglalaro nilang tatlo ng isang '90s board game na kung tawagin ay "Jenga." Pero hindi lang basta paglalaro ang kanilang ginawa kundi sumagot din sila sa ilang mga personal na katanungan at sumalang din sa ilang mga dares.

Isa sa naging tanong para kay Bea ay kung anong project ang naiisip niyang gawin kasama sina Kyline at Mavy.

"Maybe something fun like a comedy or something. Puwede rin horror," sagot ni Bea.

Samantala, inamin naman ni Kyline na bata pa lang ay nakakatanggap na siya ng mga hate messages dahil sa pagiging kontrabida sa mga TV projects.

Kuwento ni Kyline, "Nag-start po kasi ako bilang kontrabida sa 'Annaliza,' so at the very young age nakatanggap agad ako ng hatred and hindi ko siyempre noon naiintindihan pa."

Samantala, ipinakita naman ni Mavy ang kanyang talento sa pagkanta sa isang dare na pinagawa sa kanya ni Bea. Inamin din ng aktor na mahilig siyang gumawa ng tula, at isa sa kanyang mga nagawan na ng tula ay si Kyline.

Panoorin ang masayang vlog collaboration nina Bea, Kyline, at Mavy sa video na ito:

Alamin naman ang most-viewed vlogs ni Bea sa gallery na ito: