What's Hot

Bea Alonzo, pangarap makapag-host ng talk show

By Bong Godinez
Published July 5, 2021 4:43 PM PHT
Updated July 6, 2021 3:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OCTA survey: Filipinos back increased military presence in West Philippine Sea
CCTV captures residents dumping trash in another barangay in Bacolod
Gabbi Garcia and her mom share make-up tips in local lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News

Bea Alonzo


Vlogging helped a lot in boosting Bea's confidence in talking naturally in front of the camera.

Bagama't matagal na sa showbiz ay aminado ang bagong Kapuso na si Bea Alonzo na recently lang siya naging kumportable magsalita sa harap ng kamera.

Malaking bagay aniya ang pagkakaroon ng sarili niyang vlog sa YouTube para masanay siya na makipag-usap nang natural sa kamera at hindi lang dahil may ginagampanan siyang karakter.

“Dati nahihiya akong magsalita ng harapan at kausapin ang kamera kasi sanay ako na kunwari walang kamera,” kuwento ni Bia sa GMANetwork.com matapos opisyal na maipakilala bilang bagong miyembro ng GMA family.

“When you're acting parang umaarte ka na walang nanunood sa iyo. Pero these past few months parang na-train ako to talk into the camera,” dagdag ng aktres.

Well-received ng publiko ang vlog ni Bea na sa kasalukuyan ay mayroon ng 1.77 million subscribers.

Sa recent episode ng kanyang vlog ay ikinuwento ni Bea kung paano siya nangarap na maging artista at nagsimula sa showbiz.

Naging emosyonal ang aktres na nagpasalamat sa lahat ng tumulong para marating ang kanyang pangarap.

Humiling din siya sa kanyang mga tagahanga na patuloy siyang suportahan sa panibagong yugto ng kanyang career.

Determinado si Bea na ituloy ang kanyang pagba-vlog kahit na inaasahang magiging busy na siya ulit once magsimula ang kanyang trabaho sa bagong home network.

Sa kanyang pagbabalik telebisyon ay nais ni Bea na sumubok ng ilang proyekto na hindi pa niya nagagawa dati.

Isa sa naiisip ni Bea ang paghu-host ng talk show sa GMA.

Dito siyempre papasok ang nabuong kumpiyansa ni Bea sa pagsasalita sa harap ng kamera sa tulong ng kanyang vlog.

“Siguro ibang facets of my talent. 'Di ko alam, baka sitcom, other things. I am yet to discuss that with GMA. So sana pagkatiwalaan din nila ako ng ibang types of genre [sa telebisyon]."

Balikan ang mga tagpo sa pinag-usapang contract signing event ni Bea kamakailan: