GMA Logo bea alonzo adn dominic roque
What's Hot

Bea Alonzo reveals Dominic Roque's most attractive trait

By EJ Chua
Published July 12, 2022 3:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Pokémon cards sa tindahan, pinuntirya ng mga armadong kawatan sa US
Gabbi Garcia's photos from 2016 that prove she is a true it girl
Arnie Teves, 2 others acquitted in 2019 murder case

Article Inside Page


Showbiz News

bea alonzo adn dominic roque


Ano ang katangian ni Dominic Roque na labis na nagustuhan ng 'Start-Up Ph' actress na si Bea Alonzo? Alamin DITO:

Dahil sa sunud-sunod na guestings sa ilang programa, mas nakikilala ng mga Kapuso ang award-winning actress na si Bea Alonzo.

Sa latest episode ng showbiz podcast na Updated with Nelson Canlas, inamin ni Bea ang ilang mga bagay tungkol sa kaniyang love life.

Masayang ibinahagi ng Start-Up Ph actress kay Nelson Canlas kung ano ang ugali ng kaniyang boyfriend na si Dominic Roque na sobrang nagustuhan niya.

Kuwento ni Bea, "Actually, isa 'yon sa mga pinakanagustuhan ko tungkol sa kaniya, he's just not insecure at all. Parang, it takes a very confident man to let the woman shine and not compete with that ano… attention that she's getting. It takes a mature and confident man and that's what I like about him. He's just not insecure, he does support me.

Nito lamang January, ipinagdiwang ng celebrity couple ang kanilang first anniversary bilang magkasintahan.

Bukod sa mga inamin niya tungkol sa kaniyang love life, ibinahagi rin ng Kapuso star kung paano siya nagsimula bilang isang aktres na pa-extra extra lang noon sa ilang TV shows.

Abangan si Bea Alonzo sa upcoming drama series na Start-Up Ph, malapit nang ipalabas sa GMA Network!

Samantala, silipin ang sexiest looks ni Bea Alonzo sa gallery na ito.