GMA Logo Bea Alonzo and Jeric Gonzales
What's on TV

Bea Alonzo talks about how she feels working with Jeric Gonzales in 'Start-Up PH'

By EJ Chua
Published October 18, 2022 2:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Errol 'Budoy' Marabiles, of Junior Kilat fame, passes away
Miss Grand International announces first-ever 'all stars' edition
School in Kalibo, Aklan receives bomb threat

Article Inside Page


Showbiz News

Bea Alonzo and Jeric Gonzales


Bea Alonzo, proud kay Jeric Gonzales? Happy sa reaksyon ng netizens tungkol sa tambalang Team DaDa sa 'Start-Up PH.' Basahin DITO:

Kasalukuyang napapanood sa GMA drama series na Start-Up PH ang award-winning actress at movie icon na si Bea Alonzo.

Ang Pinoy adaptation ng hit Korean series na Start-Up ang kauna-unahang serye ni Bea bilang isang Kapuso.

Kahit bago ang mundong kaniyang ginagalawan, hindi maikakaila na nag-e-enjoy si Bea habang katrabaho ang kapwa niya Kapuso stars.

Isa sa mga katrabaho niya ngayon sa programa ay ang Kapuso hunk at award-winning actor na si Jeric Gonzales.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Bea, unang ibinahagi ng aktres ang kaniyang nararamdaman tungkol sa tambalan nila ni Jeric na kilala ngayon bilang Team DaDa (Dani at Davidson).

Ayon sa lead actress, “Nakakatuwa, totally unexpected kasi It's my first time doing a show with Jeric…”

Kasunod nito, may pahayag din si Bea tungkol sa acting skills ng Kapuso actor para sa karakter nito sa programang kanilang pinagbibidahan.

“With Jeric, nakakatuwa kasi I've never worked with him [before]… until ginawa ko 'yung Start-Up PH. I'm very very happy and proud of him kasi alam ko kung gaano siya talaga nage-effort para mapaganda 'yung character niya,” sabi ng Kapuso actress.

Bukod kina Bea at Jeric, napapanood din bilang bida sa serye ang Asia's Multimedia Star na si Alden Richards at award-winning actress na si Yasmien Kurdi.

Abangan ang mas nakakakilig na mga eksena ng Team DaDa sa Start-Up PH, mula Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad, at sa GTV naman ay mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Huwebes 11:30 p.m., at tuwing Biyernes naman ay ipapalabas ito sa oras na 11: 00 p.m.

Mapapanood din ang bagong programa sa Kapuso Livestream at GMA PinoyTV.

Maaari ring balikan ang previous episodes ng serye rito.

SAMANTALA, SILIPIN ANG BEHIND THE SCENES NG START-UP PH SA GALLERY SA IBABA: