
Hindi napigilan ng netizens na kiligin sa bagong social media post ng Kapuso actress na si Bea Alonzo.
Sa Instagram, ibinahagi ni Bea ang kanyang larawan na kuha mismo ng kanyang fiancé na si Dominic Roque.
Sa kuhang ito, makikita sa salamin ang repleksyon ni Dominic habang kinukunan ng magandang shot ang Sparkle star.
Lalo namang kinilig ang kanilang fans sa simpleng caption ni Bea na "The reflection of my future."
Samantala, nag-iwan naman ng finger heart emojis si Dominic sa comments section.
May ilang fans din ang napa-“sana all” at nagpahayag ng kanilang excitement para sa kasal ng celebrity couple.
Noong nakaraang July 19, ginulat ni Bea ang kanilang fans ng i-announce nito na engaged na siya sa kanyang longtime boyfriend na si Dominic.