
Tumaya ang former Tween Hearts star na si Bea Binene sa eleksyon 2025 nang suportahan niya si Bam Aquino.
Big surprise ang dating senador dahil base sa mga inilabas na survey bago ang May 12 elections ay nasa 12th place ang pangalan niya sa mga pinagpipiliang botante. Pero laking gulat nang lahat na base sa partial at unofficial results ng halalan nasa second spot si Bam, na may mahigit sa 20.62 million votes.
Kaya naman sa Instagram post ni Bea, laking tuwa niya sa kinalabasan ng eleksyon at binati kanyang sinuportahang senatorial candidate sa positibong resulta ng mid-term elections.
Sabi ng aktres, “Congratulations, Senator @bamaquino ! Higit sa lahat, congratulations sa ating lahat, dahil ang panalo ni Sen Bam ay panalo din natin!
“Salamat, Senator Bam, dahil mayroon pang mga katulad mo na tapat, may integridad at handa para magserbisyo sa bansa.”
Dagdag ni Bea, “Higit sa lahat... Salamat, Pilipinas, sa pagpapatunay na kapag nagtulong-tulong, nagsama-sama at naniwala, may magagawa pa. Salamat, Pilipinas, sa pagpapaalala na may pag-asa pa at pwede pang umasa.
“Talaga ngang kabataan ang pag-asa ng bayan. Malayo na pero malayo pa.
“May we never lose hope and the courage to hope. Dasal para sa Pilipinas at para sa mga Pilipino.”
Samantala, dalawang celebrities ang pasok sa Magic 12 sa pagka-senador. Ito ay ang TV host na Tito Sotto at ang aktor na Lito Lapid, na tumakbo bilang re-electionist.
Eleksyon 2025: Who is leading and who is trailing behind?