
Nananatiling nangunguna si Beatrice, na ginagampanan ni Lianne Valentin, sa mga pinaghihinalaan ng Royal Blood viewers na pumatay kay Gustavo Royales (Tirso Cruz III), base ito sa isinagawang poll ng Royal Blood para sa ikawalong linggo nito.
Sa inilabas ng official poll results ng Royal Blood noong Sabado (August 12), nangunguna pa rin si Beatrice na may 17.6 percent vote.
Kung sa ikapitong linggo ng Royal Blood ay sina Cleofe at Diana ang pumangalawa at pumangatlo sa poll, napalitan naman ito ngayon nina Anne (Princess Aliyah) at Andrew (Dion Ignacio) sa puwesto.
Sumunod naman sa listahan sina Cleofe (Ces Quesada), Diana (Megan Young), Tasha (Rabiya Mateo), Kristoff (Mikael Daez), mga kasambahay, Margaret (Rhian Ramos), at Napoy (Dingdong Dantes).
Sa ikawalong linggo ng Royal Blood, nalaman na ni Napoy ang sikreto sa likod ng Beatrice Beauty na dating pagmamay-ari ni Beatrice, na nalipat sa pangalan ni Gustavo. Nalaman din ni Napoy ang nangyari sa dating business partner ni Beatrice na si Sarah.
Isa pa sa natuklasan ni Napoy na nagpunta si Beatrice sa playhouse nang gabing mamatay si Gustavo.
Pero may katotohanan kaya na si Beatrice ang dahilan kung bakit nag-suicide ang dati nitong business partner na si Sarah? Ano kaya ang kinalaman ni Gustavo sa pangyayaring ito?
Patuloy na subaybayan ang Royal Blood, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.
Mapapanood din ang Royal Blood sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (10:50 p.m.), at naka-livestream din sa Kapuso Stream.
TINGNAN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS NG CAST NG ROYAL BLOOD SA GALLERY NA ITO: