GMA Logo Beauty Gonzalez
Source: beauty_gonzalez (IG)
What's on TV

Beauty Gonzalez, alay sa isang crew member ang 'House of Lies'

By Kristian Eric Javier
Published May 19, 2026 1:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Senate plenary session (May 19, 2026) | GMA News
STAYC is bringing 'Stay Closer' fancon to Manila
Anton pays tribute as dad Roi joins milestone project “Kamao”

Article Inside Page


Showbiz News

Beauty Gonzalez


Alay ni Beauty Gonzalez ang pagtatapos ng 'House of Lies' sa isang crew member nila na pumanaw.

Sa pagtatapos ng GMA Afternoon Prime series na House of Lies, gusto umanong ialay ni Beauty Gonzalez ang serye sa isa sa mga production crew na nakasama nila sa serye.

Sa pagbisita nila sa Fast Talk with Boy Abunda, ibinahagi nina Beauty at co-star niyang si Kris Bernal ang ma-mi-miss nila sa serye ngayon nalalapit na ang pagtatapos nito.

Ani Kris, mami-miss niya ang kaniyang mga co-stars at ang mga pagkakataong magkakasama sila sa set.

“Nakaka-miss kasi kumbaga 'yung TTHS mo naka-reserve na du'n, tapos parang 'Aw, nakaka-miss silang kasama',” sabi ng aktres.

Gaya ni Kris, mami-miss din umano ni Beauty ang bawat isa sa kaniyang co-stars at maging ang staff at crew nila sa serye. Ngunit ang pinakamami-miss niya ay ang isang crew member na malapit sa kaniya.

“There's this one crew [member] na naging close ko, iaalay ko 'tong show na 'to sa kaniya 'cause he passed away during the shoot; his name is Norman. Mami-miss ko siya because you can seldom see people na mabait,” sabi ni Beauty.

TINGNAN ANG ILANG BEHIND THE SCENES SA SET NG 'HOUSE OF LIES' SA GALLERY NA ITO:

Pagpapatuloy pa ng aktres, alam niyang kilala ng maraming staff sa GMA Network si Norman, lalo na at isa siya sa madalas magbahagi ng pagkain sa kanila.

“So mami-miss ko sila, mga crew, the staff. Usually, they work behind the camera, but they really take good care of me and all of us. That's why I wanna give this show to him,” sabi ni Beauty.

Panoorin ang panayam kina Beauty at Kris dito: