
Isa na ang pagti-TikTok sa favorite bonding nina Beauty Gonzalez at Kris Bernal sa set ng pinagbibidahan nilang serye na House of Lies.
Sa TikTok account ni Kris, mapapanood ang bago nilang video, kung saan makikita silang sabay at confident na inirarampa ang kanilang stylish outfits at stunning looks.
Fierce in red off-shoulder gown si Beauty, habang si Kris naman ay looking hot sa kanyang gold and black gown.
Sulat ni Kris sa caption ng post, “Ganda-gandahan with Beauty Gonzalez.”
Sa kasalukuyan, may mahigit 200,000 views at 21,000 heart reactions na ang video.
@sheiskrisb Ganda-gandahan with @Beauty Gonzalez ✨ #KrisBernal #BeautyGonzales #HouseOfLies #FYP ♬ Originalton - Zertuny
Source: Kris Bernal (TikTok)
Sa likod ng mga intense na eksena ng cast ay mayroon silang makulit na bonding moments sa set ng serye.
Related gallery: On the set of House of Lies
Bukod kina Beauty at Kris, napapanood din bilang lead actors dito sina Mike Tan at Martin Del Rosario.
Patuloy na tumutok sa intense drama na House of Lies. Ipinapalabas ang serye mula Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m., sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream, at mapapanood din ito sa GMA Play.