
Bukod kay Beauty Gonzalez, leading lady rin ni Mike Tan sa House of Lies ang Kapuso actress na si Kris Bernal.
Sa bagong video na in-upload ni Kris sa kanyang TikTok account, mapapanood ang kanyang entry kung saan nasa gilid niya ang co-actor niya na si Mike.
Habang nagli-lipsync si Kris, makikita si Mike na abala sa paggamit ng kanyang cellphone.
Kasabay nito ay ang pag-arte ng Kapuso actress na parang kaugali ng karakter niya sa House of Lies na si Thea.
Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 5 million views ang video together nina Kris at Mike.
@sheiskrisb Nandyan na naman ang tukso.. 😏 @Mike Tan #KrisBernal #MikeTan #HouseOfLies ♬ original sound - Madz Tunees
RELATED GALLERY: A touch of classic family charm at 'House of Lies' mediacon
Napapanood si Kris sa intense drama bilang si Thea, ang asawa ni Edward (Martin del Rosario) at mistress ni Paolo (Mike Tan).
Abangan ang susunod pang pasabog na eksena sa House of Lies, ang seryeng pinagbibidahan nina Beauty Gonzalez, Mike Tan, Martin Del Rosario, at Kris Bernal.
Ipinapalabas ang serye mula Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m., sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream, at mapapanood din ito sa GMA Play.