GMA Logo Beauty Gonzalez
Source: beauty_gonzalez (IG)
What's Hot

Beauty Gonzalez, excited sa kakaibang role sa 'Prinsesa ng City Jail'

By Kristian Eric Javier
Published April 11, 2024 3:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Most parts of PH to see cloudy skies, rain due to 3 weather systems
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Beauty Gonzalez


Kakaibang Beauty Gonzalez ang mapapanood sa kanyang bagong GMA Afternoon Prime series na 'Prinsesa ng City Jail.'

Kahit katatapos lang ng huli niyang serye, balik Afternoon Prime si Beauty Gonzalez sa upcoming series na Prinsesa ng City Jail. Ayon sa aktres ay ibang iba ang role niya ngayon kumpara sa huli niyang project kaya naman excited na siyang masimulan ito.

Gaganap si Beauty bilang nanay ng karakter ni Sofia Pablo na si Princess, isang bata na lumaki malapit sa city jail kasama ng mga jail guard. Iikot ang kuwento sa paghahanap ni Princess sa kanyang pamilya katulong ang isang bagong inmate, si Xavier (Allen Ansay).

“Ako naman 'yung inaapi ngayon so iba namang Beauty 'yung makikilala nila. Ngayon, ako naman 'yung very protective and fighter na mom ni Sofia,” sabi ni Beauty sa interview niya kay Lhar Santiago sa “Chika Minute” para sa 24 Oras.

Sinabi rin ni Beauty na masaya siyang makasama ang ilan sa young Kapuso stars tulad nina Sofia, Allen, Will Ashley, Radson Flores, at Lauren King.

“It's always good to be surrounded by young people, so nakakabata, nakaka-excite, and I'm excited to learn new things from them,” sabi niya.

BALIKAN ANG ILAN SA MGA REMARKABLE ROLE NI BEAUTY SA GALLERY NA ITO:

Makakasama rin nila sa Prinsesa ng City Jail ang ilan sa mga bigating artista tulad nina Dominic Ochoa, Keempee De Leon, Al Tantay, Minnie Aguilar, Ayen Laurel, at Denise Laurel.

Bukod sa mga makakasama niyang artista, excited na rin umano si Beauty na simulan ang proyekto dahil magsisilbi itong reunion project niya kay Direk Jerry Sineneng. Naging direktor ni Beauty si Direk Jerry sa huli niyang serye na Stolen Life.

Sa susunod na linggo na magsisimula ang taping ng Prinsesa sa City Jail. Pero bago pa siya sumabak sa bagong project, sinabi ni Beauty na uuwi muna siya sa kanyang hometown sa Dumaguete.

“I'll go to Dumaguete, I'll visit my mom, I'm gonna attend my best friend's wedding, and magbasa ng script, mag-aral, and I'm excited to see everyone in Dumaguete, especially my mom,” sabi niya.

Panoorin ang interview ni Beauty dito: