
Umaani ng positive reactions mula sa viewers ang pagganap at mismong karakter ni Beauty Gonzalez sa intense drama na House of Lies.
Related gallery: Kilalanin ang cast ng House of Lies
Si Beauty ay napapanood sa serye bilang si Marj Torrecampo, ang mapagmahal na asawa ni Paolo na role naman ni Mike Tan.
Sa nagdaang episodes nito, nasaksihan ang pagiging palaban ni Marj bilang asawa ni Paolo.
Bumuhos ang galit ni Marj kina Paolo at Thea (Kris Bernal) nang malaman niyang magkarelasyon pala ang dalawa na pareho pang miyembro ng Torrecampo family.
Maraming viewers ang tila napapa-cheer pa kay Marj habang matapang niyang ipinaglalaban ang karapatan niya bilang asawa at bilang ina ni Jasmine (Kayla Davies).
Imbes na magmukmok sa kuwarto, hindi niya inatrasan si Thea at hinarap niya ang panggugulo nito sa kanyang pamilya.
Narito ang comments ng viewers sa pagiging palaban ni Beauty bilang si Marj sa House of Lies:
Ano kaya ang susunod na mangyayari kay Marj at sa pamilya Torrecampo?
Patuloy na tumutok sa intense drama na House of Lies.
Ipinapalabas ang serye mula Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream, at mapapanood din ito sa GMA Play.