GMA Logo beauty gonzalez
What's Hot

Beauty Gonzalez, ibinahagi kung paano nakaligtas sa bagyong Odette

By Jansen Ramos
Published January 6, 2022 3:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Remains of ex-DPWH Sec. Cabral brought to Manila
Sarah Discaya, 8 others detained at jail in Mactan, Lapu-Lapu City
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

beauty gonzalez


Nanawagan si Beauty Gonzalez ng tulong para sa mga kababayan niya sa Negros na naapektuhan ng bagyong Odette: "I hope we'll also help Dumaguete not only in Siargao, not in Cebu, but a lot of places in Negros."

Isa si Beauty Gonzalez sa mga nakaramdaman ng hagupit ng bagyong Odette na tumama sa Visayas at ilang parte ng Mindanao ilang araw bago ang Pasko noong nakaraang taon.

Dahil sa kalamidad, na-stranded si Beauty sa kanyang hometown sa Dumaguete kaya hindi siya gaano nakapag-promote ng kanyang pelikula na Huwag Kang Lalabas na kasali sa 47th Metro Manila Film Festival. Absent din siya sa fluvial parade ng annual film festival matapos siyang hindi makabalik ng Maynila on time.

Gayunpaman, thankful naman ang bagong Kapuso dahil hindi sila gaanong nasalanta ng bagyo sa Dumaguete tulad ng mga kalapit nitong isla.

"Blessing in disguise" pa nga raw na hindi siya natuloy ng Siargao, ayon sa panayam ni Gorgy Rula sa aktres sa virtual mediacon ng bago nitong GMA series na "AlterNate," bagong kuwento ng I Can See You anthology, noong January 3.

Bahagi ni Beauty, "Naapektuhan ako ng bagyo. Actually, I was supposed to go to Siargao but I changed my mind. I remembered, ang sama ko, birthday ng mommy ko. Sabi ng mommy ko, 'bakit ka pupuntang Siargao? Pumunta ka muna dito sa Dumaguete.'

"So I went to Dumaguete so blessing in disguise, we weren't really affected like Siargao but there are places in Negros also that got affected then 'yung farm namin, awa ng Diyos, 'yung bakod lang 'yung nasira pero talagang naramdaman namin 'yung bagyo."

Kahit hindi sentro ng bagyong Odette, nangangailan pa rin daw ang mga taga-Negros ng tulong dahil may ilang lugar dito ang malubhang naapektuhan ng kalamidad.

“I'm so happy, I was there also to help mga farmers namin and also the co-farmers and everyone else. But you know, we were blessed that it's not as bad as Siargao.

“But still, they need help also and, until now, kailangan pa rin. May mga places pa rin sa Negros na walang ilaw, walang tubig so I hope we'll also help Dumaguete not only in Siargao, not in Cebu, but a lot of places in Negros."

Bukod kay Beauty, marami ring celebrity ang humingi ng tulong para sa mga nasalanta ng bagyong Odette kabilang diyan sina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo na nakabase sa Siargao, at Slater Young at Kryz Uy na taga-Cebu.

Samantala, sa mga nais mag-donate, tingnan ang bayanihan directory ng relief operations at donation drives para sa mga biktima ng typhoon Odette dito.