
Mapapanood na si Beauty Gonzalez sa bagong GMA Afternoon Prime drama na Stolen Life.
Si Beauty ay gaganap bilang Farrah, isang babaeng may malaking inggit sa puso na gagawin ang lahat para makamit ang lahat ng nais niya sa buhay.
Ang Stolen Life ay iikot sa temang astral projection o ang kakayahan ng kaluluwa ng isang tao na lumipat sa pisikal na katawan ng isa pang tao. Gagamitin ni Farrah ang astral projection para makalipat ng katawan at agawin ang buhay ng kaniyang pinsan na si Lucy (Carla Abellana).
RELATED GALLERY: Meet the cast of Stolen Life
Sa teaser ng Stolen Life ay ipinakita ang dalawang karakter na gagampanan ni Beauty. Siya ay hindi lamang gaganap na Farrah kung hindi pati na rin si Lucy.
Abangan ang kakaibang Beauty sa world premiere ng Stolen Life.
Makakasama ni Beauty sa Stolen Life sina Carla Abellana at Gabby Concepcion na gaganap bilang Lucy at Darius. Kabilang din sa tututukang cast ng Stolen Life sina Celia Rodriguez bilang Azon, Anjo Damiles bilang Vince, Divine Aucina bilang Joyce, Lovely Rivero bilang Belen, Juharra Zhianne Asayo bilang Cheska, at William Lorenzo bilang Ernesto.
Mapapanood ang Stolen Life sa GMA Afternoon Prime simula November 13, 3:20 p.m. sa GMA Network.