GMA Logo Beauty Gonzalez, Kris Bernal, House of Lies
Courtesy: GMA Network, GMA Drama
What's on TV

Beauty Gonzalez, Kris Bernal, sinagot ang witty questions ng 'House of Lies' fans

By EJ Chua
Published April 30, 2026 6:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

IMF warns Asia to keep policy in balance amid Middle East energy disruptions
6 ka mga indibdiwal lakip 2 ka aktibong pulis sa PRO-11, sikop I One Mindanao
Makiling | Ang Ganti ni Amira

Article Inside Page


Showbiz News

Beauty Gonzalez, Kris Bernal, House of Lies


Makulit na sinagot nina Marj (Beauty Gonzalez) at Thea (Kris Bernal) ang mga tanong ng 'House of Lies' viewers.

May kakaibang bonding ang Kapuso actresses na sina Beauty Gonzalez at Kris Bernal sa set ng pinagbibidahan nilang serye na House of Lies.

Sa isang video na mapapanood sa TikTok account ni Kris, makikitang kasama niya si Beauty hindi para sumayaw, kundi para sa isang simple ngunit makulit na question and answer content.

Dito ay magkasabay silang nag-react at sumagot sa witty questions ng kanilang fans at iba pang viewers ng House of Lies.

Isa sa mga ito ang comment ng fan na si Nathalie tungkol sa naramdaman niya noong nalaman na ni Marj (Beauty Gonzalez) and tungkol sa affair ng kanyang asawa na si Paolo (Mike Tan) at ni Thea (Kris Bernal).

Ayon kay Beauty, masaya siyang nakaganti ang karakter niyang si Marj kay Thea na role naman ni Kris.

@sheiskrisb Replying to @nathalie NSAYA SAYA NIYO A!!!!!!! 🤣 @Beauty Gonzalez #HouseOfLies #FYP #KrisBernal #Beauty #BeautyGonzales ♬ original sound - Kris Bernal

Sinagot din ni Kris ang tungkol sa cake kung saan matatandaang isinubsob siya ni Beauty bilang isa ito sa mga intense scenes sa serye.

Tanong ng isang netizen/viewer, “Sobrang tamis ba nung cake mima? Hehehehe

@sheiskrisb Replying to @Karen Munoz - Sabado ♬ original sound - Kris Bernal


Sagot ni Kris, “Sobrang tamis nung cake, red velvet. Sobrang lasap na lasap ko ih… kasi ba naman 'yung pagngudngod sa akin ni Marj kaliwa't kanan…”

Sa kasalukuyan, may mahigit one million views na ang videos.

Samantala, sa likod ng intense scenes ay ang makulit na bonding moments sa set ng serye.

Patuloy na tumutok sa intense drama na House of Lies.

Ipinapalabas ang serye mula Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m., sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream, at mapapanood din ito sa GMA Play.