GMA Logo Beauty Gonzalez
What's Hot

Beauty Gonzalez, may kakaibang pangarap noong bata pa

By Kristian Eric Javier
Published February 29, 2024 5:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

More Pinoys repatriated from Gulf as DMW eyes alternate OFW job sites
4th generation of family in Cebu continues ‘Pabasa’ tradition
8 in 10 Filipinos choose domestic travel for Holy Week 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Beauty Gonzalez


Ano ang naging pangarap ni Beauty Gonzalez noong bata pa siya?

Aminado ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis actress na si Beauty Gonzalez na hindi naman talaga pag-aartista ang pangarap niya noon. Sa halip ay gusto niya magkaroon ng sariling sementeryo noon.

Sabi ni Beauty sa Surprise Guest with Pia Arcangel podcast, never sumagi sa isip niya ang pag-aartista. Sa katunayan, ang mommy pa niya ang nagpilit sa kaniyang sumali noon sa isang reality TV show na nagsimula ng kaniyang karera.

“I'm thankful for my mom na pinilit niya ako and jinumbag-jumbag niya 'ko sumali ang pumila. Ayoko pang pumila noon, yaya ko ang pumila dun e,” sabi niya.

Dagdag pa ng Stolen Life actress, “Nung ako na, akala ko the more mo ayaw, the more palang gusto nila e. 'Bakit gusto mong sumali? Nanay ko, gustong mag-artista, kunin n'yo.' Punong-puno ako ng kurot ng mommy ko nun e.”

BALIKAN ANG EMOSYONAL NA INTERVIEW NI BEAUTY SA 'FAST TALK WITH BOY ABUNDA' SA GALLERY NA ITO:

At ang talagang pangarap noon ni Beauty, magkaroon ng sarili niyang sementeryo. Ayon sa aktres, may katabing public cementery noon ang farm nila sa probinsya at doon niya naisip na gusto niyang magkaroon ng sariling sementeryo.

“I wanted to have my own cementery, design my own thing, design everything, design my own office. Wala lang,” sabi niya.

Aminado rin ang aktres na maraming natatakot na naiisip na niya ang ganoong bagay kahit bata palang siya pero para kay Beauty, “When you die, you get to think about your life 'di ba? You get to think about the things you did in your life and the beautiful life. Parang sa'kin, it's just normal.”

Biro pa niya, “And you can't get away with it. I mean there are two things you can't get away with, taxes and death.”

Ngayon, hindi na parte ng pangarap ni Beauty ang pagkakaroon ng sariling sementeryo dahil una, naibenta na umano ng mommy niya ang lupang gusto niya, at pangalawa, dahil mas gusto na lang niyang mag-focus ngayon sa acting.

“I just focus on what is mine and what is real,” sabi niya.

Pakinggan ang buong interview ni Beauty dito: