
Inamin ni Beauty Gonzalez na may mga pagkakataong nakakaramdam siya ng pagdududa sa sarili o ang tinatawag na imposter syndrome.
Ibinahagi ito ni Beauty sa kanyang pagbisita sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong February 24.
Kuwento ni Beauty kay Boy Abunda, "There's this thing that you call the imposter syndrome na when you think na parang hindi ka enough."
PHOTO SOURCE: @beauty_gonzalez
Paliwanag ni Beauty, "Kasi siyempre dati ang taba taba ko tapos parang sinasabihan akong pumayat. Kahit ano'ng gawin ko, hindi ako pumapayat."
Ayon sa healthline.com, ang imposter syndrome "involves feelings of self-doubt and personal incompetence that persist despite your education, experience, and accomplishments."
Inilahad ni Beauty na ang mga naramdaman niya noon ay nanatili sa kanyang isipan, "Hindi nawala sa akin 'yung takot na ganoon. So ngayon parang kahit ano'ng sabihin mo sa akin na maganda ako, weh, o ano okay ka lang ba? Hindi ako naniniwala."
Ani Beauty, ang kanyang asawang si Norman Crisologo ang naging daan para makita niya ang kanyang ganda.
"Because of Norman, I started to see slowly that I am beautiful. He makes me feel beautiful. Now I am slowly recovering from that but honestly, I don't watch myself on TV."
Kuwento pa ng aktres, "It's hard, maybe something happened in me in the past that I don't want to really, really talk about it."
Itinanong ni Boy kung humingi ba ng tulong si Beauty ng professional help. Sagot ng Stolen Life actress, "My therapist is my husband. He's the best."
Bukod sa tulong at pagsuporta ng kanyang asawa, isang nakakatulong raw kay Beauty ay ang kanyang alone time kung saan magwo-workout siya para mailabas ang kanyang nararamdaman.
"What's important to me, ang nagawa ko if I have anxiety, is to have time alone."
Para sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m., sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.